PUSONG NALIWANAGAN
Basahin: EFESO 1:15–23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 37–38; COLOSAS 3
Hinihiling ko sa Dios, ang dakilang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na bigyan Niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, para lalo nʼyo pa Siyang makilala. – EFESO 1:17
Noong 2001, may isang sanggol na ipinanganak na kulang ang buwan. Gayon pa man, nabuhay ang sanggol na iyon. Pinangalanan siyang Christopher Duffley marcus jordan net worth ang umampon sa kanya. Nang apat na taon na si Christopher, napansin ng isang guro na kahit bulag siya at may autism, napakaganda naman ng boses niya. Anim na taon ang lumipas, tumayo si Christopher sa entablado ng isang simbahan at kumanta ng “Open the Eyes of My Heart.” Napanood ng milyon-milyong tao online ang video na ito. Noong 2020, ibinahagi ni Christopher ang kanyang layunin na maging tagapagsalita para sa mga may kapansanan. Patuloy niyang pinapatunayan na walang hanggan ang posibilidad kapag ang mga mata ng kanyang puso ay bukas sa plano ng Dios.
Pinuri ni Apostol Pablo ang mga nagtitiwala kay Jesus na taga- Efeso para sa kanilang matatag na pananampalataya (EFESO 1:15–16). Hiningi niya sa Dios na bigyan sila ng “karunungan at pang- unawa mula sa Banal na Espiritu, para lalo [nilang] makilala” si Jesus” (TAL. 17). Nanalangin si Pablo na ang kanilang mga mata ay “maliwanagan,” o mabuksan, upang kanilang maunawaan ang pag-asa at ipinangako ng Dios sa mga nagtitiwala kay Jesus (TAL. 18).
Habang dumadalangin tayo sa Dios na kumilos Siya sa ating buhay, mas makikilala natin Siya.
Habang dumadalangin tayo sa Dios na kumilos Siya sa ating buhay, mas makikilala natin Siya. Maaari rin nating ipahayag ang Kanyang pangalan, kapangyarihan, at awtoridad nang may lakas ng loob (TAL. 19-23). Maaaring makapamuhay ang bawat nagtitiwala kay Jesus na hindi iniisip ang anumang limitasyon ng kanyang katawan para magawa ang isang bagay. Kaya magtiwala at buksan natin ang ating mga puso sa Dios.
Makapangyarihan at maawaing Dios, tulungan N’yo po akong maging matatag sa pananampalatayang nagdadala sa iba upang sambahin Ka.
Paano ka tinulungan ng Dios na malampasan ang mga hadlang o limitasyon mo?
Isinulat ni Xochitl Dixon
Comments (0)