Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MAGMAHAL AT UMUNAWA

·

·

MAGMAHAL AT UMUNAWA

Basahin: 2 SAMUEL 9:1–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 39–40; COLOSAS 4

Sinabi ni David sa kanya, “Huwag kang matakot. Ipinatawag kita dahil gusto kitang pakitaan ng kabutihan dahil sa iyong amang si Jonatan.” – 2 SAMUEL 9:7

May isinulat na artikulo ang manunulat na si Jonathan Tjarks. Pinamagatan niya itong, “Nakikilala ba ng Anak Ko ang Iyong Pangalan?” Tungkol ito sa paglaban sa kanyang kanser at ang pagnanais na mapangalagaan ang kanyang asawa at batang anak. Isinulat ito ng tatlumpu’t apat na taong gulang na si Tjarks anim na buwan bago siya pumanaw. Bilang tagasunod ni Jesus na bata pa lamang nang mawalan ng ama, nagbahagi si Tjarks ng mga talata mula sa Biblia na tungkol sa pangangalaga sa mga balo at ulila (EXODUS 22:22; ISAIAS 1:17; SANTIAGO 1:27). Para naman sa kanyang mga kaibigan, isinulat niya, “Kapag makita kita sa langit, may isang bagay lang akong itatanong—Naging mabuti ba kayo sa aking Nike WMNS Sabrina 1 Medium Soft Pink , Nike Air Zoom Pegasus 38 Sail White DO2337-100 , AcmShops Marketplace anak at asawa? Nakikilala ba ng anak ko ang iyong pangalan?”

Nag-isip si Haring David kung mayroong “natira pang sinuman mula sa bahay ni Saul na maaari [niyang] ipakita ang kabutihan para sa kapakanan ng…mahal na kaibigan na si Jonatan” (2 SAMUEL 9:1). Dinala sa kanya ang “lumpong anak na lalaki ni Jonatan” na si Mefiboset (TAL. 3). Sinabi ni David sa kanya, “Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at hindi lang iyan, dito ka na palagiang kakain kasama ko” (TAL. 7). Ipinakita ni David ang mapagmahal na pangangalaga kay Mefiboset. Malamang, sa paglipas ng panahon ay tunay na nakilala siya ng hari (TINGNAN 19:24–30).

Tinatawag tayo ni Jesus na mahalin ang iba gaya ng pagmamahal Niya sa atin (JUAN 13:34). Habang kumikilos Siya sa atin at sa pamamagitan natin, tunay nating kilalanin at mahalin ang iba nang mabuti.

Dios Ama, tulungan Mo po akong parangalan Ka sa pamamagitan ng pagsusumikap na tunay na makilala at mahalin ang iba.

Paano mo makikilala nang mas mabuti ang ibang tao? Ano ang magiging air jordan 13 black flint larawan ng pagmamahal mo sa kanila kung tutularan mo ang pagmamahal ng Dios sa iyo?

Isinulat ni Tom Felten

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *