Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

LUBOS NA MAGTIWALA

·

·

LUBOS NA MAGTIWALA

Basahin: ISAIAS 26:1–4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 41–42; 1 TESALONICA 1

Magtiwala kayong lagi sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, dahil Siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman. – ISAIAS 26:4

Minsan, nagulat ako sa bumungad sa akin nang buksan ko ang aming bintana nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301. Wala akong makita kundi makapal na pader ng hamog. Ayon sa balita, “freezing fog” daw ito, na bihira sa aming lugar. Sinabi pa sa balitang mawawala raw ito makalipas ang isang oras at masisilayan na namin ang araw. Sinabi ko sa aking asawa na imposibleng mangyari iyon. Pero totoo nga, wala pang isang oras, unti-unting nawala ang hamog. Lumiwanag ang paligid at lumitaw ang bughaw na kalangitan.Tuloy, naisip ko ang pagtitiwala ko sa Dios sa gitna ng makakapal na hamog sa buhay. Tinanong ko ang asawa ko, “Nagtitiwala lang ba ako sa Dios kapag malinaw kong nakikita ang Kanyang ginagawa?”

Noong pumanaw naman si Haring Uzia ng Juda, ilang tiwaling pinuno ang naupo sa kapangyarihan. Nagtanong din noon si Propeta Isaias kung sino ang dapat nilang pagtiwalaan. Tumugon ang Dios sa pamamagitan ng isang nakapangingilabot na pangitain. Nakumbinsi Sneakers – adidas by9405 women black hair – Cheap Edu Jordan Outlet , Shoes, Clothing & Bags, Authenticated Before Shipping si Isaias na maaasahan niya ang Dios. Habang nagpupuri si Isaias, sinabi niya, “Panginoon, bigyan Nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa Inyo” (ISAIAS 26:3). Sinabi pa niya, “Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil Siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman (TAL. 4).

Kapag nakatuon sa Dios ang ating isipan, kakayanin nating magtiwala sa Kanya kahit sa malalabo at madidilim na panahon ng buhay. Hindi man natin ngayon nakikita ang pagkilos ng Dios, makakatiyak naman tayong darating ang pagtulong Niya sa tamang oras.

Dios Ama, tulungan Mo po akong ituon ang aking isipan sa Iyo lalo na sa panahong ito na humaharap ako sa mabibigat na problema.

Paano mo naitutuon sa Dios ang iyong isipan sa panahong nakararanas ka ng problema?

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *