HINDI INAASAHANG PARAAN
Basahin: 1 CORINTO 1:21–31 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 45–46; 1 TESALONICA 3
Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. – 1 CORINTO 1:27
Halos idikit na ng Pastor ang hawak niyang pahina sa kanyang mukha. Malabo na kasi ang kanyang paningin. Gayon pa man, buong ingat niyang binasa ang bawat salita para sa mga nakikinig. Kahit ganoon ang sitwasyon, kumilos ang Banal na Espiritu sa pangangaral ni Jonathan Edwards upang palakasin ang loob ng libu-libong tao. At sa huli, nagpahayag ang mga ito ng kanilang pagtitiwala kay Cristo.
Madalas gumamit ang Dios ng mga hindi inaasahang bagay upang maisakatuparan ang Kanyang layunin. Isinulat naman ni Apostol Pablo ang plano ng Dios na iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus. Sinabi ni Pablo, “Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas” (1 CORINTO 1:27). Inaasahan ng sangkautahan na darating ang pagliligtas ng Dios sa makapangyarihan at kagila-gilalas na paraan. Pero dumating si Jesus nang may kababaang-loob at kahinahunan. Sinabi sa Biblia, “Si Cristo ang karunungan ng Dios para sa atin. Sa pamamagitan Niya, itinuring tayo ng Dios na matuwid, ibinukod para sa Kanya at tinubos sa ating mga kasalanan” (TAL. 30).
Ginagamit ng Dios maging ang mga maliliit at simple upang maisakatuparan ang Kanyang layunin.
Nagkatawang-tao at naging isang sanggol ang walang hanggang Dios na perpekto ang karunungan. Namuhay Siya kasama natin, nagdusa, namatay, at muling nabuhay. Ginawa Niya ito para ibalik ang maayos na relasyong nasira air jordan 13 black flint dahil GmarShops Marketplace , Jordan Essential Full-Zip Hoodie , De nouvelles pièces apparel Jordan x PSG font surface sa kasalanan. Ginagamit ng Dios maging ang mga maliliit at simple upang maisakatuparan ang Kanyang layunin. Kung handa tayong sumunod sa Kanya, gagamitin Niya ang ating buhay para magawa ang Kanyang ninanais.
Dios Ama, tulungan Mo po akong sumunod sa Iyo ngayong araw. Makapaglingkod nawa ako sa paraang ikaw ang napapapurihan.
Anong mga hindi inaasahang bagay ang nasaksihan mong ginawa ng Dios? Paano mo ilalaan ang iyong sarili para sa Kanya?
Isinulat ni James Banks
Comments (0)