SINO AKO?
Basahin: EXODUS 4:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 47–49; 1 TESALONICA 4
Sinabi ng Dios, “Sasamahan kita.” – EXODUS 3:12
Nakatitig si Kizombo sa liyab ng apoy habang nagmumuni- muni tungkol sa kanyang buhay. Ano na ba ang mga nagawa ko? Wala pa masyado. Bumalik siya sa lugar na kanyang kinagisnan at nagtrabaho sa paaralang itinatag ng kanyang ama. Sinusubukan din niyang isulat ang kuwento ng buhay ng kanyang ama, na nakaligtas sa dalawang digmaang sibil. Naisip niya, Sino ba ako para subukang gawin ang lahat ng ito?
Ang mga alinlangan ni Kizombo ang nagpaalala sa akin sa buhay ng lingkod ng Dios na si Moises. Binigyan ng Dios si Moises ng isang misyon: “Ipapadala kita sa Faraon para palayain Nike Air Jordan 1 Retro Mid White Shadow , GmarShops Marketplace , Buy & Sell Sneakers ang mga mamamayan kong Israelita sa Egipto” (EXODUS 3:10). Sumagot si Moises, “Sino po ba ako?” (TAL. 11).
Matapos ang ilang palusot ni Moises, tinanong siya ng Dios, “Ano iyang hawak mo?” Isang tungkod (4:2). Sa utos ng Dios, inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Kahit natatakot, pinulot ito ni Moises at muli itong naging tungkod (TAL. 4). Sa kapangyarihan ng Dios, hinarap ni Moises ang Faraon. Ipinakita ng Dios sa pamamagitan ni Moises na walang laban sa nag-iisang tunay na Dios ang mga dios-diosan ng Egipto.
Naalala ni Kizombo si Moises, at naramdaman air jordan 13 black flint niya ang sagot ng Dios: Kasama mo Ako at ang Aking Salita. Naisip din niya ang mga kaibigang nagpalakas ng loob niya para isulat ang kuwento ng kanyang ama. Sa pamamagitan nito, maipapaalam din niya ang kapangyarihan ng Dios sa buhay ng kanyang ama.
Sa sarili nating kakayahan, kulang ang ating mga pagsisikap. Pero lagi nating alalahaning naglilingkod tayo sa Dios na nagsabing, “Sasamahan kita” (3:12).
Dios Ama, hindi po ako magkukulang sa anumang aking hinaharap na sitwasyon dahil Ikaw ang aking kasama.
Ano ang mayroon ka na magagamit ng Dios? Paano ka mahihikayat na isipin ang mga magagawa ng Dios sa iyo?
Isinulat ni Tim Gustafson
Comments (0)