SA HARDIN

·

·

SA HARDIN

Basahin: GENESIS 2:8–9; 3:16–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 59–61; 2 TESALONICA 3

Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Dios ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon Niya pinatira ang tao na nilikha Niya. – GENESIS 2:8

Mahilig mag-camping ang tatay ko. Gusto rin niyang mangisda at mangolekta ng iba’t ibang uri ng bato. Gustung-gusto rin niyang magtrabaho sa kanyang bakuran at hardin. Gumugugol siya ng oras sa paghuhukay, pagtatanim ng buto, pagbubunot ng damo, at pagdidilig ng halaman. Pero sulit naman ang mga resulta—magandang bakuran, masasarap na kamatis, at magagandang rosas. Taon-taon, pinuputol niya ang mga rosas. Muli namang tumutubo ang mga ito para humalimuyak muli ang kanilang mababangong bulaklak.

Sa Aklat ng Genesis ng Biblia, mababasa natin ang tungkol sa hardin ng Eden. Namuhay sa lugar na iyon sina Adan at Eba kasama ang Dios. Sa hardin na iyon, “Pinatubo ng Panginoong Dios ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga” (GENESIS 2:9). Iniisip ko, marahil ang perpektong hardin na iyon ay puno rin ng magagandang bulaklak na mabango—baka pati nga rosas, walang tinik!

Ngunit pagkatapos sumuway at magkasala sina Adan at Eba laban sa Dios, pinalayas sila mula ike clogposite 2024 colorway sa hardin. Dahil doon, para mabuhay, kinailangan nilang magbungkal ng lupa, magtanim, mag-alaga ng sarili nilang mga taniman, at iba pang hamon sa buhay (GENESIS 3:17-19, 23-24). Pero, patuloy pa rin silang tinulungan ng Dios (TAL. 21). Hindi rin Niya iniwan ang sangkatauhan nang wala ang kagandahan ng Kanyang mga nilikhang nagbibigay sa atin ng dahilan upang malamang mayroong makapangyarihang Dios (ROMA 1:20). Ang mga bulaklak naman sa hardin ay nagpapaalala sa atin ng patuloy na pagmamahal ng Dios at ng Kanyang pangakong muli Niyang lilikhain ang isang mundong magbibigay sa atin ng pag-asa at kaaliwan.

Mahal na Dios, salamat po sa maraming paalala Mo sa Iyong Nike GREY "Dunk Low" sports shoes mga likha. Salamat sa kagandahang nasa kabila ng mga tinik.

Isinulat ni Alyson Kieda



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *