Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MAGING MAHABAGIN

·

·

MAGING MAHABAGIN

Basahin: EXODUS 34:1–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 20–21; 2 TIMOTEO 4

Ako ang Panginoon, ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat ako, at hindi madaling magalit. – EXODUS 34:6

Matagal ba dumating ang inorder mo? Puwede mo silang bigyan ng mababang marka. Sinungitan ka ba ng tindera? Puwede kang magsulat ng reklamo. Puwede nating gawin ang mga iyan gamit ang smartphone. Totoong nakatutulong ang mga smartphone. Pero nabigyan din tayo nito ng kakayanan upang bigyan ng rating o marka ang kapwa natin. At maaari itong magdulot ng problema.

Nagiging mabilis tayong humusga sa ating kapwa, kahit pa hindi natin alam ang kabuuan ng kuwento. Namarkahan nang mababa ang drayber dahil matagal ang delivery, pero naipit pala siya sa isang aksidente. Naireklamo ang tindera, pero wala pala siyang tulog sa pag-aalaga ng maysakit na anak.

Para maiwasan Pratica e fresca t-shirt ang mabilis na panghuhusga, tularan natin ang Dios. Ganito Niya inilarawan ang Kanyang sarili sa Exodus 34:6-7. Una, “mahabagin at matulungin” Siya. Ibig sabihin, hindi Niya basta huhusgahan ang mga pagkakamali natin. Ikalawa, “hindi [Siya] madaling magalit” kaya hindi Niya tayo mamarkahan kaagad. Ikatlo, “ipinapakita [Niya] ang pagmamahal ir jordan 4 tour yellow 200 [Niya] sa maraming tao,” kaya makatitiyak tayong hindi bunga ng paghihiganti ang pagtatama Niya, kundi ng pag-ibig. Panghuli, “pinapatawad [Niya] ang mga kasamaan,” kaya hindi Niya tayo tinatanaw batay sa mga pagkakamali natin.

Kung tutularan natin ang Dios (MATEO 6:33), maiiwasan natin ang mga maaaring negatibong epektong naidudulot ng smartphones, gaya ng mabilisang pagbibigay ng negatibong marka sa kapwa. Tulungan nawa tayo ng Banal na Espiritu upang maging mas mahabagin at maunawain gaya ni Jesus.

Banal na Espiritu, tulungan Mo po akong makita ang Iyong bunga sa aking buhay, lalo na po sa mga online na pakikitungo ko.

Paano ka magiging mas mahabagin sa iyong kapwa?

Isinulat ni Sheridan Voysey

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *