Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

SA LILIM NG KANYANG PAKPAK

·

·

SA LILIM NG KANYANG PAKPAK

Basahin: SALMO 61 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 22–23; TITO 1

Patirahin Mo ako sa iyong tolda magpakailanman! Ako’y manganganlong sa lilim ng Iyong mga pakpak! – SALMO 61:4 ᴀʙᴀʙ

Maraming bibe sa isang lawa sa tapat ng bahay namin. Aliw na aliw ako sa mga batang bibe, kaya lagi ko silang minamasdan kapag naglalakad o tumatakbo ako palibot ng lawa. Pero iniiwasan kong titigan ang mga nanay nila, kasi baka akalain nilang sasaktan ko ang anak nila. Tiyak na hahabulin nila ako!

Ganyan mag-ingat ang mga bibe at ibon sa kanilang mga inakay. At ginamit iyan ng Biblia bilang paghahalintulad sa maaruga at mapagprotektang pag-ibig ng Dios (SALMO 91:4). Sa Salmo marcus jordan net worth 61, tila hindi maramdaman ni David ang pag-ibig ng Dios. Naranasan na niya ang Dios bilang “kanlungan, isang matibay na muog Women's Accessories , IetpShops , ADIDAS by Stella McCartney Water bottle with logo , camiseta aeroready 3stripes adidas azul branco NQQ laban sa kaaway” (TAL. 3 ᴀʙᴀʙ). Pero ngayon, puno siya ng pagtangis: “Mula sa dulo ng lupa ay tumatawag ako sa iyo…Ihatid mo ako sa bato na higit na mataas kaysa akin” (TAL. 2). Nais niya muling “manganlong sa lilim ng pakpak [ng Dios]” (TAL. 4).

At nang matapos ibuhos ni David ang lahat ng kanyang sakit at hinaing sa Dios, naramdaman naman niyang dininig siya ng Dios (TAL. 5). Kaya naman pangako niyang “aawit [siya] ng mga papuri sa [Kanyang] pangalan magpakailanman” (TAL. 8).

Sa mga pagkakataong pakiramdam nating malayo ang Dios, puwede nating tularan si David. Tumakbo tayo sa mga bisig ng Dios. Doon madarama nating sa kabila ng ating mga pinagdaraanan, malapit ang Dios. Iniingatan at inaalagaan Niya tayo tulad ng isang ibong mahigpit na nagbabantay sa kanyang mga inakay.

O Dios, salamat po sa Inyong lubos na pag-iingat at pagmamahal sa akin. Tulungan Mo po akong manahan at pumanatag sa Iyong pag-aaruga.

Paano napalalakas ang loob mo na iniingatan ka ng Dios? Paano mo naranasan ang pag-iingat at pagsama Niya sa buhay mo?

Isinulat ni Monica La Rose

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *