SUMASAMBA ANG LAHAT
Basahin: GAWA 17:24–32 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 24–26; TITO 2
Mga taga-Athens! Nakita kong napakarelihiyoso ninyo. – GAWA 17:22
Noong nasa Athens, Greece ako, nabisita ko ang sinaunang Agora. Dito nagtuturo noon ang mga sinaunang philosophers. Dito rin sumasamba ang mga taga-Athens. Nakita ko doon ang altar para kina Apollo at Zeus, malapit sa Acropolis kung saan nakatayo noon ang rebulto ni Athena.
Kahit hindi na sumasamba kay Apollo at Zeus ngayon, relihiyoso pa rin ang lipunan. Sabi ng manunulat na si David Foster Wallace, “Lahat sumasamba.” Babala niya, “kung sinasamba mo ang pera at mga bagay..hindi ka magkakaroon ng sapat…Kung katawan at ganda naman ang sinasamba mo…lagi mong ramdam na pangit ka…At kung sinasamba mo ang talino…pakiramdam mo na mangmang ka.” Mayroon pa ring sinasambang dios-diosan ang lipunan, at nakapipinsala ito.
Sabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Athens nang bumisita siya sa Agora, “Nakita kong napakarelihiyoso ninyo” (GAWA 17:22). Pagkatapos, ipinahayag niya na ang kaisa-isang tunay na Dios ang Manlilikha ng sanlibutan (TAL. 24-26), at nagnanais Siyang makilala Giuseppe Zanotti low top embossed croc-effect sneakers ng mga tao (TAL. 27). Katunayan, ipinakilala Niya ang sarili Niya sa pamamagitan air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 ng pagkabuhay muli ni Jesus (TAL. 31). Hindi Siya tulad nina Apollo at Zeus, na gawa lang ng mga kamay ng tao.
Kanino tayo umaasa para sa layunin at kaligtasan natin? Iyon ang ating dios. Mabuti na lang at nariyan ang nag-iisang tunay na Dios, at nagpapakilala Siya sa atin (TAL. 27).
Patawad po, Ama, kung mas inuuna ko ang yaman, ganda, pulitika, at iba pa kaysa sa Iyo. Inaalis ko na po ang mga ito sa altar ng puso ko at Ikaw na po ang inilalagay ko rito ngayon.
Ano ang mga “dios” na sinasamba ng lipunan ngayon?
Isinulat ni Sheridan Voysey

Comments (0)