KILALA ANG TINIG NG PASTOL
Basahin: JUAN 10:1–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 43–45; HEBREO 5
Sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya. — ᴊᴜᴀɴ 10:4
Tumira kami sa isang bukirin sa Tennessee noong bata pa ako. Madalas kaming maglakad ng kaibigan ko sa kakahuyan. Sumasakay din kami noon sa maliliit na kabayo at pumupunta sa mga kamalig para panoorin ang mga cowboy na nag-aalaga ng mga kabayo. Pero kapag narinig ko na ang sipol ni tatay sa gitna ng iba’t ibang tunog, iiwan ko ano man ang ginagawa ko at uuwi na ako. Malinaw sa akin ang tunog. Alam kong tinatawag na ako ng tatay ko. Kahit ilang dekada na ang lumipas, kilala ko pa rin ang sipol ng tatay ko.
Sinabi ni Jesus sa mga alagad Niyang Siya ang Pastol at sila ang Kanyang mga tupa. “Kilala ng mga tupa ang boses niya,” sabi Niya, at “tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan” (ᴊᴜᴀɴ 10:3). Sa gitna ng mga naglipanang mga lider at guro na tinangkang lituhin nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 ang mga sumusunod kay Jesus, sinabi Niyang malinaw na maririnig ang mapagmahal Niyang tinig. Higit na malinaw pa nga kaysa sa iba. “Sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya” (ᴛᴀʟ. 4).
Malinaw ang tinig ni Jesus sa mga taong nagmamahal sa Kanya.
Pakinggan nawa nating mabuti ang tinig ni Jesus. Huwag natin itong ipagsawalang Baskets style années 2000 , Bleu – Campus – Cheap Cra-wallonie Jordan Outlet – adidas Running Pulseboost Czarne buty sportowe – adidas Originals bahala. Dahil nananatili ang katotohanan: malinaw ang tinig ng Pastol, at naririnig ito ng Kanyang mga tupa. Nagsasalita si Jesus—maaaring sa pamamagitan ng isang talata mula sa Biblia, mga salita ng kaibigang nagtitiwala din kay Jesus, o sa pag-uudyok ng Banal na Espiritu—at naririnig natin Siya.
Panginoon, salamat po sa paalalang nagsasalita Ka at naririnig ko ang tinig Mo. Tulungan Mo po akong bigyang pansin at tugon ang tinig Mo.
Sa anong paraan mo kaya nagagawang kumplikado ang pakikinig sa tinig ng Dios? Ano ang sinasabi sa iyo ng Pastol ngayon?
Isinulat ni Winn Collier


Comments (0)