Church of Christ At San Antonio 33 A.D.

PANALANGING MAY PAG-IBIG

·

·

PANALANGING MAY PAG-IBIG

Basahin: LUCAS 6:27–31 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 48–49; HEBREO 7

Ipanalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. — LUCAS 6:28 ABAB

Matagal nang maraming naiirita kay John sa simbahan. Mabilis kasi siyang magalit, mayabang, at gusto laging nasusunod. Marami rin siyang mga reklamo tungkol sa mga nagboboluntaryo sa simbahan. Sa totoo lang, hindi siya madaling mahalin.

Kaya nang nalaman kong may kanser siya, nahirapan akong manalangin para sa kanya. Naalala air jordan 13 black flint ko kasi ang masasakit na salita niya. Pero inalala ko ang tagubilin ni Jesus na magmahal. Ipinanalangin ko si John araw-araw. Hindi nagtagal, napansin kong sa halip na ang masamang ugali niya, ang kalagayan niya ang naiisip ko. Siguro malalim ang kirot sa puso niya. Baka gulong gulo siya ngayon dahil sa pinagdaraanan niya.

Natutunan kong nagbibigay daan pala ang pananalangin para mabuksan ang ating damdamin sa Dios. Nagkakaroon tayo ng tamang pananaw at perspektibo. Sa pagsuko natin ng ating kagustuhan at damdamin sa Dios, binibigyan natin ang Banal na Espiritu ng laya para baguhin ang puso natin. Kaya nga kaakibat ang panalangin sa tagubilin ni Jesus na mahalin natin ang mga kaaway natin: “Ipanalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo” (LUCAS 6:28 ABAB).

Inaamin Jordan Bordeaux shirt match Black tee Retro 6 kong may mga pagkakataong nahihirapan pa rin akong isipin ang kapakanan ni John. Pero sa tulong ng Banal na Espiritu, natututunan kong makita siya ayon sa mata at puso ng Dios: isang taong kailangang patawarin at mahalin.

Maibiging Dios, alam Mo po ang aking damdamin. Ipahiram Mo po sa akin ang Iyong pusong maawain at mahabagin para maipanalangin ko ang mga nakasakit sa akin, dahil mahal Mo sila.

Bakit mahalagang ipagdasal pati ang mga taong hindi natin kasundo at nagpapahirap sa atin? Ano ang puwede mong ipagdasal para sa kanila?

Isinulat ni Leslie Koh

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *

https://sachurchofchrist.church/wp-content/plugins/share-christmas-tunes-decorations/public/partials/mp3/Ding_Dong_Merrily.mp3