KUMAPIT KAY JESUS
Basahin: MATEO 9:18–22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 51–52; HEBREO 9
Sinabi ng babae sa kanyang sarili, “Mahipo ko lang ang damit [ni Jesus] ay gagaling na ako.” – MATEO 9:21
Minsan, nahilo ako habang nasa hagdan ng opisina namin. Tila umiikot ang paligid ko, kaya kumapit ako sa barandal ng hagdan. Kumabog ang dibdib ko at nanghina ang mga binti ko. Laking pasasalamat kong matibay ang barandal. Kumonsulta ako sa doktor pagkatapos at nalaman kong may anemia ako. Hindi man malala ang sakit ko, pero hindi ko na malilimutan ang tindi ng panghihina ko nang araw na iyon.
Kaya naman, hanga ako sa babaeng humawak Лосины adidas {original} — цена 299 грн в каталоге Лосины ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе , Украина #45668792 , Чоловічі Adidas парки оригінал kay Jesus. Una, kinailangan niyang suungin ang maraming tao. Ikalawa, matinding pagtitiwala ang ipinakita niya nang lumapit siya para mahawakan si Jesus (MATEO 9:20-22). Lalo na at mahina ang katawan niya dahil matagal na siyang dinurugo. Kung tutuusin din, may dahilan siya para matakot. Puwede kasi siyang mahuli best nike running shoes. Sa batas noon ng mga Israelita, marumi ang babaeng dinurugo. At magiging marumi rin ang mga tao at bagay na madidikit sa kanya (LEVITICO 15:25-27). Pero naglakas loob siya: Mahipo ko lang ang damit niya. Hindi lang simpleng “mahipo” ang salitang Griyegong ginamit sa Mateo 9:21, kundi “kumapit nang mahigpit.” Mahigpit na kumapit ang babae kay Jesus. Buo ang paniniwala niyang kaya siyang pagalingin ni Jesus.
Kapag tayo’y nagtitiwala at kumakapit kay Jesus, tiyak na kakatagpuin at tutulungan Niya tayo.
Sa gitna ng maraming tao, nakita ni Jesus ang malalim na tiwala ng babae. Gayundin naman, kung magtitiwala at kakapit tayo kay Jesus, kakatagpuin at tutulungan Niya tayo. Hindi Niya tayo itataboy. Kaya dinggin mo ang tinig Niyang nagsasabing, “Kumapit ka sa Akin.”
O Dios, salamat po sa pag-ibig Mo. Salamat po dahil hindi ko kailangang mahiya sa Iyo. Tanggap Mo po ako at tinuturing na anak.
Ano ang sanhi ng pagdurusa at takot mo? Paano ka puwedeng kumapit kay Jesus ngayon?
Isinulat ni Karen Huang


Comments (0)