HIWAGA NG PANALANGIN
Basahin: 2 HARI 20:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: PANAGHOY 1–2; HEBREO 10:1–18
Nang marinig ito ni Hezekia, humarap siya sa dingding at nanalangin sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ. – 2 HARI 20:2
Kakapanaw lang ng asawa ng babae. Bukod sa kalungkutan, nag-aalala rin siya. Kailangan kasi niyang makalap ang ilang detalye tungkol sa aksidenteng ikinamatay ng asawa niya para makuha ang insurance nito. May pulis sanang tutulong sa kanya, pero naiwala air jordan 1 low outlet niya ang calling card nito. Nanalangin ang babae at nagmakaawa sa Dios. Hindi nagtagal, nagpunta siya sa simbahan. Pagdaan niya sa bintana, may nakita siyang papel—ang calling card ng pulis! Hindi niya alam paano ito napunta doon, pero alam niya kung bakit.
Malaki ang pagpapahalaga ng babae sa panalangin. At bakit hindi? Ayon sa Biblia, pinapakinggan ng Dios ang mga hiling natin. “Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,” dagdag pa ni Apostol Pedro, “ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan” (1 PEDRO 3:12 ᴍʙʙ).
Kasama natin ang Dios; nakikita Niya ang ating kalagayan at naririnig ang panalangin.
Nakatala sa Biblia ang pagtugon ng Dios sa dasal ni Haring Hezekia. Malubha ang sakit ng hari. Sinabihan siya ni Propeta Isaias na maghanda na dahil malapit na siyang pumanaw. Alam ng hari ang dapat niyang gawin: “nanalangin [siya] sa Panginoon” (2 HARI 20:2). Agad inutusan ng Dios si Propeta Isaias na sabihin sa hari ang mensahe Niya: “Narinig ko ang panalangin mo” (TAL. 5). At nabuhay pa ng labinlimang taon si Haring Hezekia.
Hindi laging tumutugon ang Dios tulad ng isang calling card sa bintana. Pero tinitiyak Niyang hindi tayo mag-iisa sa pagharap sa mahihirap air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 na sitwasyon sa buhay. Nakikita tayo ng Dios at kasama natin Siya. Naririnig Niya ang mga panalangin natin.
Ama, salamat po dahil kapiling kita at dinirinig Mo ang mga panalangin ko.
Ano ang nasa listahan ng mga alalahanin mo? Paano mo ito maipagkakatiwala sa Dios para sa gabay at tulong Niya?
Isinulat ni Dave Branon


Comments (0)