KUMUHA NG LAKAS SA DIOS
Basahin: 2 CORINTO 12:2–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 11–13; SANTIAGO 1
Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko’y nakikita sa iyong kahinaan. – 2 CORINTO 12:9
Inaaral ni Grainger McKoy ang mga ibon upang maililok ang mga ito. Isang likha niya ang tinawag niyang Recovery. Pinapakita dito ang kanang pakpak ng pato na nakaunat pataas. Ayon sa nakasulat na paglalarawan, ito ang recovery stroke o ang panahon na pinakamahina ang pato. Pero ito rin ang panahong kumukuha ito ng lakas na kailangan sa paglalakbay. Isinama rin ni Grainger ang sinabi ng Dios kay Apostol Pablo: “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko’y nakikita sa iyong kahinaan” (2 CORINTO 12:9).
Dumaraan noon si Pablo sa isang mahirap na yugto Air dunk jordan Melo 3 White Version 2007 – TurismoShops – Комбинезон зимний nike dunk jordan ng buhay niya. Nagmakaawa siya sa Dios na tanggalin ang tinawag niyang “pahirap sa aking katawan” (TAL. 7 ᴍʙʙ). Maaari itong isang pisikal na sakit o kaya pagpapahirap sa espiritu niya. Tulad ni Jesus noong gabi bago Siya namatay (LUCAS 22:39-44), paulit-ulit hiniling ni Pablo sa Dios na tanggalin ang paghihirap niya. Tumugon ang Banal na Espiritu na ibibigay Niya ang lakas na kailangan ng apostol. Natutunan ni Pablo na “kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios” (2 CORINTO 12:10).
Sa gitna ng paghihirap, makukuha natin ang lakas natin mula sa kalakasan ng Dios.
Iba’t iba ang mga paghihirap na nararanasan natin sa buhay. Ngunit tulad ng patong kumukuha ng lakas para sa paglalakbay, puwede tayong humugot ng lakas mula sa Dios para sa kinakaharap natin. Matatagpuan natin ang lakas natin sa kalakasan Niya.
Ama, tulungan Mo po akong humugot ng lakas mula sa Iyo para maharap ko ang hirap na pinagdaraanan ko sa buhay.
Anong kahinaan ang mayroon ka ngayon? Paano ka makakukuha ng lakas ng Dios para mapagtagumpayan ito?
Isinulat air jordan 3 black cement 2024 ni Elisa Morgan


Comments (0)