Church of Christ At San Antonio 33 A.D.

KAHIT HINDI NAKIKITA

·

·

KAHIT HINDI NAKIKITA

Basahin: HEBREO 11:1–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 24–26; 1 PEDRO 2

Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. – HEBREO 11:1

Huminto muna kami para kumuha ng litrato. Sakto kasi ang tama ng sikat ng araw sa Lake Michigan, kaya nakamamangha ang ganda nito. Pero dahil sa posisyon ng araw, hindi ko maaninag ang imahe sa screen ng cellphone ko. Kumuha pa rin ako ng litrato. Tiwala akong maganda ang kakalabasan nito dahil nagawa ko na ito dati. Sabi ko sa kasama ko, “Hindi natin kita ngayon, pero laging maganda ang resulta ng ganitong litrato.”

Madalas katulad niyan ang pamumuhay nang may pana- nampalataya. Hindi natin nakikita ang bawat detalye sa screen, pero hindi ibig ir jordan 4 tour yellow 200 sabihin na wala doon ang magandang larawan. Kahit hindi natin laging nakikita ang ginagawa ng Dios, makakaasa tayong nariyan Siya. “Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin” (HEBREO 11:1). Sa pamamagitan ng pananampalataya, inilalagak natin sa Dios ang tiwala natin, lalo na sa mga panahong hindi natin nakikita o naiintindihan kung ano ang ginagawa Niya.

Dahil sa pagtitiwala sa Dios, hindi tayo napipigilang “kumuha ng litrato” kahit hindi natin ito nakikita. Marahil nga, matutulungan pa tayo nito upang mas lalong manalangin at humiling ng gabay mula sa Dios. Puwede rin tayong matuto sa karanasan ng ibang Fall Holiday 2010 Nike Sportswear Leggings System Collectibles – “4 Mastery Icon” Toy Figures – Fall Holiday 2010 Nike Sportswear Leggings – AmericanheritageschoolShops nagtiwala sa Dios (TAL. 4-12). O maging sa mga ginawa na Niya sa buhay natin. Kaya muling gawin ng Dios ang mga nagawa na Niya sa nakaraan.

Ama sa Langit, salamat po sa lahat ng pagpapala Mo sa buhay ko. Tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyo kahit hindi ko nakikita ang lahat ng ginagawa Mo.

Ano ang ipinagkakatiwala mong gagawin ng Dios kahit hindi mo nakikita ngayon? Paano ka niligtas ng Dios o ang pamilya mo dati?

Isinulat ni Katara Patton

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *

https://sachurchofchrist.church/wp-content/plugins/share-christmas-tunes-decorations/public/partials/mp3/Ding_Dong_Merrily.mp3