Church of Christ At San Antonio 33 A.D.

BUNUTIN ANG TINIK NG IBA

·

·

BUNUTIN ANG TINIK NG IBA

Basahin: ROMA 12:9–21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 33–34; 1 PEDRO 5

Magmahalan kayo bilang magkakapatid…Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. – ROMA 12:10–12 ᴍʙʙ

Para kay Catherine of Sienna, tulad ng salubsob NovogasShops – las jordan lifestyle graphic duffel – Air las jordan Retro 6 'Jungle Tiger' Customs by V.A.B. ang mga pasakit sa buhay. “May tinik na pumasok sa paa mo kaya ka umiiyak sa gabi.” Dagdag niya, “Pero may ilan na kayang bumunot ng tinik. Sa Dios sila natuto.” Isa si Catherine sa natuto ng ganoong kakayahan. Hanggang ngayon, kinikilala siya dahil sa habag at pagdamay niya sa mga dumaranas ng paghihirap.

Naisip ko, kailangan ng magaang kamay at kakaibang air jordan 13 black flint kakayahan para mabunot ang tinik ng iba. Paalala ito na sugatan ang bawat tao, at kailangan nating humugot nang malalim upang magkaroon ng tunay na habag para sa iba at sa sarili rin.

Tulad din ito sa sinabi ni Apostol Pablo sa Roma 12. Higit sa magandang hangarin ang kailangan para mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal ni Jesus. Kailangan nating maging tapat sa bawat isa (TAL. 10), magalak sa pag-asa, magtiyaga kahit may pighati, at manalangin palagi (TAL. 12). “Makitangis sa mga tumatangis” at hindi lang “magalak sa mga nagagalak” (TAL. 15).

Nasusugatan ang lahat ng nabubuhay sa mundo. Malalim ang kirot at peklat ng bawat isa. Ngunit mas malalim ang pagmamahal na matatagpuan natin kay Cristo. Ang pag-ibig Niya ang makatatanggal ng nakatusok na tinik. Gamit ang balsamo ng habag na handang yakapin kaibigan man o kaaway (TAL. 14), maghihilom tayong lahat.

Mapagmahal na Dios, salamat po sa habag Mo. Tulungan Mo po akong mahalin ang kapwa ko tulad ng pagmamahal Mo.

Kailan mo nadama ang kapangyarihan ng habag upang magpagaling? Paano mo puwedeng simulan ang isang komunidad ng paghilom?

Isinulat ni Monica La Rose

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *

https://sachurchofchrist.church/wp-content/plugins/share-christmas-tunes-decorations/public/partials/mp3/Ding_Dong_Merrily.mp3