PAGTITIWALA SA DIOS
Basahin: SALMO 20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 37–39; 2 PEDRO 2
May mga umaasa sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma, ngunit kami ay umaasa sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ naming Dios. – SALMO 20:7
Lumalala na ang pakiramdam ng nanay at pamangkin ko. Kailangang kailangan ko ang mga gamot para sa allergy ni nanay at eksema ng pamangkin ko. Pero wala nang mga gamot sa botika. Wala akong magawa. Paulit-ulit kong dasal, Panginoon, tulungan Mo po sila.
Lumipas ang ilang linggo, bumuti-buti na ang pakiramdam nila. Tila ba sinasabi ng Dios: “Minsan gamot ang gamit ko para magpagaling. Pero Ako ang nagpapasya, hindi ang gamot. Sa Akin ka magtiwala, huwag sa gamot.”
Sa lahat ng sitwasyon, ang Dios ang nagbibigay ng pag-asa at kapayapaan.
Gaya na lang sa Salmo 20, kung saan nakatala ang lubos na pagtitiwala ni Haring David sa Dios. Malakas alexander mcqueen wool and silk blend trousers , Latter News ang hukbo ng mga Israelita, pero alam nila na ang Dios ang lakas nila (TAL. 7). Sa Dios sila nagtiwala—sa kung sino Siya, sa karakter Niyang hindi nagbabago, at sa mga pangako Niyang hindi nagmamaliw. Pinanghawakan nila ang katotohanang ang Dios ang pinakamakapangyarihan sa kahit sa anong sitwasyon. Dinidinig Niya ang mga panalangin nila at ililigtas Niya sila (TAL. 6).
Maaaring gumamit ang Dios ng mga bagay sa mundo para tulungan tayo. Pero sa huli, sa Kanya galing ang tagumpay natin. Puwedeng ibigay Niya ang sagot sa problema natin. Puwede rin namang air jordan 4 retro red thunder lakas para magpatuloy ang ibigay Niya. Alin man dito, maaari tayong magtiwala na mananatili Siyang totoo sa karakter Niya bilang Dios. Dahil sa Kanya, puwede nating harapin ang mga problema natin nang may pag-asa at kapayapaan.
Ama sa Langit, bigyan Mo po ako ng lakas ng loob na magtiwala sa Iyo. Tulungan mo po akong maniwala sa Iyo at sa mga pangako Mo.
‘Pag may problema, kanino o saan ka nagtitiwala? Paano mag- iiba ang pagharap mo sa problema kung sa Dios ka magtitiwala?
Isinulat ni Karen Huang


Comments (0)