PUMAYAPA
Basahin: SALMO 131 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOEL 1–3; PAHAYAG 5
Tunay na aking pinayapa at pinatahimik ang aking kaluluwa. – SALMO 131:2 ᴀʙᴀʙ
Pagod na ako sa patuloy na pagtingin sa cellphone ko. Kaya ibinaba ko ito. Pero kinuha ko ulit ito at binuksan. Bakit? Sa kanyang aklat na The Shallows, inilarawan ni Nicholas Carr kung paano hinuhubog ng internet ang ating relasyon sa katahimikan: “Tila unti-unting binabawasan ng internet ang aking kakayahan para sa konsentrasyon at pagninilay. Online man ako o hindi, gumagana ang isip ko kung paano ako tumatanggap ng impormasyon mula sa internet: mabilis at instant. Dati, para lang akong lumalangoy sa ilalim ng karagatan ng mga salita. Pero ngayon, para akong nakasakay sa isang Jet Ski na rumaragasa sa ibabaw ng daluyong ng impormasyon.”
Hindi mabuti sa kalusugan ang ganoong pamumuhay Tommy Hilfiger Hoodie met geborduurd muntlogo in ivoor. Paano kaya tayo lalangoy nang malalim sa halip na sa ibabaw lang ng tubig? At paano tayo magsisimulang maghinay-hinay?
Sapat na na nasa Diyos tayo, at sa Diyos lamang tayo dapat umasa.
Sa Salmo 131, isinulat ni Haring David, “Tunay na aking pinayapa at pinatahimik ang aking kaluluwa” (TAL. 2 abab). Nagpaalala sa akin ang mga salitang itong may responsibilidad ako. Upang magbago ang aking mga gawi, kailangan kong piliing maging tahimik—kahit na kailangan kong gawin ang pasyang iyon nang paulit-ulit. Unti- unti, mararanasan natin ang kasiya-siyang kabutihan ng Dios. At tulad ng isang bata, magiging kuntento tayo habang inaalala nating Siya lamang ang nagbibigay air jordan 3 black cement 2024 sa atin ng pag-asa (TAL. 3). Huwag nawa nating hanapin sa ating cellphone, internet, o social media ang kaaliwan sa ating kaluluwa.
Dios Ama, tulungan N’yo po akong sa Inyo lamang makahanap ng kakuntentuhan.
Paano nakakaapekto sa iyong buhay ang teknolohiya para hindi ka makapagpahinga?
Isinulat ni Adam R. Holz


Comments (0)