Church of Christ At San Antonio 33 A.D.

KAHULUGAN NG MIRA

·

·

KAHULUGAN NG MIRA

Basahin: MATEO 2:9-13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: GENESIS 16-17; MATEO 5:27-48

Lumuhod sila at sumamba sa sanggol. Inilabas din nila at inihandog sa sanggol ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira. – Mateo 2:11

Ngayon ang Araw ng Tatlong Hari, kung saan ginugunita ang pangyayaring inilarawan sa awiting “We Three Kings of Orient Are.” Tungkol ito sa pagbisita ng matatalinong pantas sa sanggol na si Jesus. Ngunit sa katotohanan, hindi sila mga hari, hindi sila mula sa Malayong Silangan (na dating kahulugan ng salitang Orient), at hindi rin tiyak kung tatlo nga sila.

Gayunpaman, may tatlong handog silang dala, at bawat isa ay may mahalagang kahulugan. Nang dumating ang mga pantas sa Betlehem, “Inilabas din nila at inihandog sa sanggol ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira” (MATEO 2:11). Sumisimbolo ang mga handog na ito sa layunin ni Jesus sa mundo. Nagpapahiwatig ang ginto ng Kanyang pagiging Hari. Nagpapahayag naman ang insenso, na ginagamit sa pagsamba sa templo, ng Kanyang pagiging Dios. Samantala marcus jordan net worth, ginagamit ang mira sa paglilibing, na nagpapahiwatig ng Kanyang kamatayan.

Ito ang ikaapat na saknong ng awitin: “Ang mira’y akin, pabangong kay pait / Hatid ay buhay ng lungkot at hinagpis; / Dugo Украина #98312663 , nike running tank tops women cute , Nike air force 1 worldwide white/green женские кроссовки найк аир форс — цена 1700 грн в каталоге Кроссовки ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе’y aagos, buhay ay lilipas, / sa libingang malamig mahihimlay.” Kung tayo marahil ang magsusulat ng kuwento ng Pasko, hindi natin ito isasama. Ngunit isinulat ito ng Dios. Sapagkat napakahalaga sa ating kaligtasan ang pagkamatay ni Jesus. Maging si Haring Herodes ay nagtangkang patayin si Jesus noong bata pa lamang Siya (TAL. 13).

Sa huling bahagi ng awitin, pinag-isa ang tatlong temang ito: “Mula sa kamatayan Siya’y bumangon, / Hari at Dios na inialay ang buhay.” Ito ang kabuuan ng kuwento ng Pasko. Hindi lamang ang pagsilang ni Jesus, kundi pati ang Kanyang sakripisyo at tagumpay sa kamatayan. Dahil dito, tumutugon tayo ng papuri: “Aleluya, Aleluya! Sa langit at lupa’y sumisigaw!”

Dios Ama, tulungan Mo po akong mabuhay nang may pasasalamat sa Iyong Anak, na nag-alay ng Kanyang buhay para sa akin.

Isinulat ni Tim Gustafson

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *