Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

MANGGAGAWA NG DIOS

·

·

MANGGAGAWA NG DIOS

Basahin: GENESIS 39:19-23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: GENESIS 29-30; MATEO 9:1-17

Ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya. – Genesis 39:23

Nakatanggap si Reza ng isang Biblia sa isang kampo ng mga refugee, kung saan sumisilong ang mga biktima ng digmaan. Doon niya nakilala at pinagtiwalaan si Jesus. Ang una niyang dalangin sa Dios ay, “Gamitin Mo po ako bilang Iyong lingkod.” Makalipas ang ilang panahon ike clogposite 2024 colorway matapos siyang makaalis sa kampo, sinagot ng Dios ang kanyang panalangin. Hindi ito inaasahan ni Reza. Nagkaroon siya ng trabaho sa isang relief agency na tumutulong sa mga refugee. Naitalaga siya sa parehong kampo upang paglingkuran ang mga kakilala niya. Nagtatag siya roon ng mga sports club, klase sa wika, payong legal, at anumang makapagbibigay ng pag-asa sa mga tao. Para kay Reza, ang mga programang ito ay paraan ng paglilingkod sa kapwa Taylor Swift Lookalike Fools Local Chiefs-Bears Broadcast at pagbabahagi ng karunungan at pag-ibig ng Dios.

Habang binabasa naman ni Reza ang kanyang Biblia, agad niyang naiugnay ang kanyang sarili sa kuwento ni Jose sa Aklat ng Genesis. Napansin niya kung paano ginamit ng Dios si Jose upang maisakatuparan ang Kanyang layunin, kahit nasa bilangguan siya. Dahil sinamahan ng Dios si Jose, naranasan niya ang kabutihan at pabor ng Dios. Kaya naman, ipinagkatiwala ng tagapamahala ng bilangguan kay Jose ang pangangasiwa. Hindi na nga nito kailangang alalahanin ang anumang bagay doon dahil “pinagpapala” ng Dios si Jose “sa lahat ng ginagawa niya” (GENESIS 39:23).

Ipinangako rin naman ng Dios na sasamahan Niya tayo. Literal man tayong nakabilanggo o hindi, dumaranas man tayo ng pagsubok, pagkabigo, o kalungkutan, maaari tayong magtiwala na hindi tayo iiwan ng Dios. Kung paanong tinulungan ng Dios si Reza sa kampo at si Jose sa bilangguan, mananatili rin Siyang malapit sa atin sa lahat ng oras.

Dios na Tapagligtas, lagi po Kayong nariyan kahit sa gitna ng pinakamabibigat na pagsubok. Bigyan Mo po ako ng pag-asa at ng mga matang may pananampalataya upang makita ko ang Iyong pagkilos sa aking buhay.

Isinulat ni Amy Boucher Pye

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *