MAGLINGKOD SA IBA
Basahin: MARCOS 10:35-45 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: GENESIS 36-38; MATEO 10:21-42
Ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. – Marcos 10:43
Sumikat ang aktres na si Nichelle Nichols sa kanyang pagganap bilang Lieutenant Uhura sa orihinal na Star Trek series. Bilang isa sa mga kauna-unahang babaeng African American na naging bahagi nike sabrina 2 sneaker release date ng isang malaking palabas sa telebisyon, malaking tagumpay ito para kay Nichols. Ngunit higit pa roon ang naging bunga ng kanyang tagumpay.
Matapos ang unang season ng Star Trek, nagbitiw si Nichols upang bumalik sa teatro. Ngunit nakilala niya si Martin Luther King Jr., at nakiusap ito sa kanya na huwag umalis sa palabas. Aniya, sa unang pagkakataon, nakikita sa telebisyon ang mga African American bilang matatalino at may kakayahang makamit ang anumang bagay, pati ang pagpunta sa kalawakan. Sa pamamagitan ng pagganap niya bilang Lieutenant Uhura, naipapakita ni Nichols sa mga babae at kabataang African American kung ano ang maaari nilang maabot.
Naalala ko naman ang tagpo sa Biblia kung saan hiniling nina Santiago at Juan kay Jesus ang dalawang pinakamataas na posisyon sa Kanyang kaharian (MARCOS 10:37). Tunay ngang malaking personal na tagumpay kung maipagkakaloob ito sa kanila Giuseppe Zanotti low top embossed croc-effect sneakers. Ngunit hindi lang ipinaliwanag ni Jesus ang bigat at hirap na kaakibat ng kanilang kahilingan (TAL. 38–40), kundi tinawag Niya rin sila tungo sa mas mataas na layunin. Sinabi Niya, “ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo” (TAL. 43). Bilang mga tagasunod ni Cristo, hindi tayo tinawag upang hanapin lamang ang personal na tagumpay. Sa halip, gaya ni Jesus, gamitin natin ang ating posisyon upang maglingkod sa kapwa (TAL. 45).
Nanatili si Nichelle Nichols sa Star Trek hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas mataas na layunin: upang magbigay ng pag- asa at inspirasyon sa kanyang kapwa. Nawa’y huwag din tayong makuntento sa sariling tagumpay lamang, kundi gamitin ang ating mga tagumpay upang paglingkuran ang iba, sa pangalan ng ating Panginoong Jesus.
Isinulat ni Sheridan Voysey


Comments (0)