PAG-AABOT NG DANGAL
Basahin: JUAN 8:2-11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EXODUS 36-38; MATEO 23:1-22
“May humatol ba sa iyo?” – Juan 8:10
Malaswa ang pananamit ng isang bisita sa simbahan. Isa siyang babaeng nagbebenta ng aliw, at inimbitahan ir jordan 4 tour yellow 200 siya ni Maggie upang dumalo. Kahit wala namang pumapansin sa kasuotan niya, maya’t-maya’y hinihila niya pababa ang napakaikli niyang palda o ‘di kaya’y humahalukipkip upang matakpan ang sarili. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan.
“Giniginaw ka? Gamitin mo itong balabal ko,” alok ni Maggie, para mawala ang pansin sa suot niya.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi nanghuhusga, at may paggalang at respeto sa lahat ng uri ng tao.
Maraming tao na ang nailapit ni Maggie kay Jesus. Iniimbitahan niya sila sa simbahan at tinutulungang mapalagay ang loob at maging FledermausShops – mens air jordan 4 legacy coach jacket Mid SE Iridescent CK6587 – 100 Release Date Info , air jordan retro x nike jordan why not zer01 black gym redblack new year deals kumportable. Kaya, nahihikayat sila sa Magandang Balita dahil sa kagandahang ugali ni Maggie. Tinatrato niya kasi ang lahat nang may “dangal” o respeto at paggalang.
Baliktad naman ang asal ng mga pinuno ng simbahan sa babaeng nangalunya sa Aklat ni Juan. Kinaladkad nila ang babae sa harap ni Cristo. Ngunit sila ang pinagbalingan ni Jesus hanggang isa-isa silang umalis. Nang lumisan na ang lahat, walang husgang nagtanong si Jesus: “Babae, nasaan na sila? May humatol ba sa iyo?” (JUAN 8:10). “Wala po,” sagot niya. “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala,” (TAL. 11) ang sabi naman ni Jesus. Sa maikling tugon na iyon, naipakita ni Jesus sa babae ang pagmamahal, pagpapatawad, at panghihikayat na magsisi ng mga kasalanan.
Nakita natin ang kapangyarihan ng tunay na pagmamahal. Iyong pagmamahal na hindi nanghuhusga, at may paggalang at respeto sa lahat ng uri ng tao.
Ano ang tugon mo sa taong namumuhay sa kasalanan? Sino ang maiimbita mo sa simbahan at paano mo siya hihikayating dumalo sa linggong ito?
Mapagmahal kong Dios, patawarin po Ninyo ako sa aking panghuhusga. Tulungan po Ninyo ako upang makita sa aking buhay ang Iyong tunay na pag-ibig sa lahat ng uri ng tao.
Isinulat ni Tim Gustafson


Comments (0)