Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

DAHIL SA DUGO NI JESUS

·

·

DAHIL SA DUGO NI JESUS

Basahin: ISAIAS 1:15-20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 14; MATEO 26:51-75

Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. – Isaias 1:18

Hindi likas o natural na makikita ang kulay pula sa mga bagay na gawang tao gaya ng kamiseta o lipstick. Noong araw, gawa pa sa luwad o pulang mga bato ang pulang tina. Pagsapit ng 1400, naimbento ng mga Aztec ang isang paraan upang makakuha ng pulang tina mula sa mga insektong cochineal. Hanggang ngayon, ang maliliit na insektong ito pa rin ang patuloy na nagbibigay ng tinang pula sa buong mundo.

Sa Biblia, nagsasaad ang kulay pula ng pagiging hari. Tanda rin ito ng kasalanan at kahihiyan. Ito rin ang kulay ng dugo. Makikita ang tatlong simbolismong ito ng kulay na pula sa Mateo 27:28, nang “Hinubaran [ng mga sundalo] [si Jesus] at sinuotan ng pulang kapa.” Una, pinagtawanan si Jesus bilang Teka-marburgShops , Nike Air Dunk Jumbo 'Medium Olive' , The Stussy X Nike Air Zoom Spiridon Cage 2 "Black Grey" Has Surfaced huwad na hari. Ikalawa, binalot Siya ng kahihiyan. At ikatlo, dinamitan Siya ng kapang kakulay ng dugong ititigis Niya.

Naparito si Jesus, na walang kasalanan, upang tubusin tayo mula sa ating mga kasalanan.

Inihula naman ni Propeta Isaias na sa pamamagitan ng duguang si Jesus, malilinis ang pulang mantsa ng ating mga kasalanan: “Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo” (1:18).

Balikan natin ang insektong cochineal. Mala-gatas na puti ang kulay ng mga cochineal. Kapag dinudurog lamang sila saka lumalabas ang kanilang dugo na ginagawang tina. May hawig ir jordan 4 tour yellow 200 na katotohanan ito sa sinabi ni Isaias: “binugbog [si Jesus] dahil sa ating kasamaan” (ISAIAS 53:5).

Naparito si Jesus, na walang kasalanan, upang tubusin tayo mula sa ating mga kasalanan. Sa nakadudurog na sakit ng pagkapako sa krus, dumanak ang Kanyang pulang dugo upang malinis tayo sa kasalanan at maging kasimputi ng snow.

Paano nadudumihan ang buhay mo ng mga kasalanan? Paano ka naman lilinisin ni Jesus?

Minamahal kong Dios, salamat po sa Iyong Anak na si Jesus at sa biyaya ng kaligtasan mula sa Kanyang dugong itinigis.

Isinulat ni Kenneth Petersen



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *