Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

DAHIL SA PAG-IBIG

·

·

DAHIL SA PAG-IBIG

Basahin: 1 CORINTO 13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 15-16; MATEO 27:1-26

Kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala. – 1 Corinto 13:3

Kolehiyo pa lang, magkasintahan na sina Laneeda at Jim. Nagpakasal sila at nagsama nang masaya. Pero kinalaunan, naging kakaiba ang kilos ni Laneeda. Madalas siyang maligaw at makalimot ng mga bagay. Sa edad na 47, napag-alamang may sakit na Alzheimer’s si Laneeda. Matapos ng 10 taong pangangalaga sa kanya, nasabi ni Jim, “Dahil sa sakit, nabigyan ako ng pagkakataong Cheap Turismo Jordan , adidas speed trainer 3 grey blue jeans 2017 , Yeezy Gap Engineered by Balenciaga Logo Hoodie Black mahalin at paglingkuran ang aking asawa sa mga paraang hindi ko naisip ike clogposite 2024 colorway nang mangako ako sa kanya sa altar.”

Sa 1 Corinto 13, kasabay ng pagpapaliwanag ukol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu, binigyang-diin din ni Apostol Pablo ang halaga ng pag-ibig. Pinagkumpara niya ang ‘paglilingkod mula sa nguso’ at ‘paglilingkod mula sa puso’. Isinulat rin ni Pablo na mabuti ang mabisang pananalita, ngunit kung walang pag-ibig, para lamang itong ingay na walang kabuluhan (TAL. 1). “At kahit… ialay [ko] pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala” (TAL. 3). Sa huli, sinabi ni Pablo, “ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig” (TAL. 13).

Tanging sa Dios natin makikita ang sakdal na halimbawa ng pag-ibig.

Lalong lumalim ang pagkaunawa ni Jim tungkol sa pag-ibig at paglilingkod nang alagaan niya ang kanyang asawa. Wagas na pag-ibig ang nakapagbibigay kalakasan sa kanya upang magawa niyang arugain si Laneeda araw-araw. Pero sa huli, tanging sa Dios natin makikita ang sakdal na halimbawa ng pag-ibig. Isinugo Niya ang Anak na si Jesus upang mamatay sa krus at iligtas tayo sa kamatayan (JUAN 3:16). Ito ang sakripisyong bunga ng tunay na pag-ibig. At binago nito ang ating mundo.

Sa paanong paraan ka naglingkod nang walang pag- ibig? Paano mo masasangkapan ng pag-ibig sa Dios at sa iba ang mga gawain mo sa araw na ito?

Mapagmahal na Dios, salamat po sa pag-ibig Mo sa akin. Nawa bumukal po mula sa isang pusong puno ng pag-ibig ang lahat ng mga gagawin ko ngayon.

Isinulat ni Karen Pimpo



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *