Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

MANALANGIN

·

·

MANALANGIN

Basahin: 1 TESALONICA 5:12-18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 25; MARCOS 1:23-45

Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus. – 1 Tesalonica 5:16-18

Minsan nike sabrina 2 sneaker release date, nasabi ng katrabaho ko na lumago ang kanyang buhay panalangin dahil sa aming manager. Napabilib ako. Hindi ko akalaing nakapagbabahagi pala ng mga espirituwal na bagay sa kanya ang mahigpit naming lider. Ngunit parang namali yata ako ng intindi. Paliwanag ng katrabaho ko: “Tuwing makikita ko siyang dumarating, nag-uumpisa na akong manalangin.” Mas dumalas ang pananalangin niya sa tuwing pinatatawag at mag- uusap sila ng manager namin. Batid niyang kailangan niya ang tulong ng Dios sa mahirap na pakikipagtrabaho sa kanya.

Kaya VTG nike Sale Air Max Senation White Black Chris Webber 2006 sz 9 , nike Sale breathe run kurzarm-t-shirt , Fenua-environnementShops Marketplace naging ugali ko na rin ang manalangin sa tuwing mabigat ang sitwasyon at magulo ang relasyon. Ito rin ang sinasabi sa Biblia. Sa 1 Tesalonica, pinaalalahanan ni Apostol Pablo ang mga nagtitiwala kay Jesus na “laging manalangin … [at] magpasalamat sa lahat na pangyayari” (5:17-18). Kahit ano pa ang dinaranas natin, ang panalangin ang pinakamabuting tugon. Sa halip na manalig sa sarili, napapanatili ng pananalangin ang ugnayan natin sa Dios at mas nakikita natin ang gabay ng Banal na Espiritu (GALACIA 5:16). Natutulungan din tayo nito upang “mamuhay … nang may mabuting pakikitungo sa isa’t-isa” (1 TESALONICA 5:13) kahit sa gitna ng hindi pagkakaunawaan.

Sa tulong ng Dios, maaari tayong magalak, manalangin, at magpasalamat nang mas madalas.

Sa tulong ng Dios, maaari tayong magalak, manalangin, at magpasalamat nang mas madalas. Makatutulong ang mga ito para mas maging maayos ang samahan natin bilang mga magkakapatid kay Jesus.

Anong ugnayan mo ang nangangailangan ng madalas na panalangin? Paano makatutulong sa iyo ang panalangin upang higit na sundin ang Dios at hindi ang sarili mong kagustuhan?

Ama kong nasa langit, tulungan Mo po akong manalangin palagi upang maging mas mabuti ang pakikitungo ko sa iba.

Isinulat ni Katara Patton



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *