MAY-ARI O KATIWALA?
Basahin: SALMO 50:7-15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 26-27; MARCOS 8:1-21
Akin ang lahat ng hayop: ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol. – Salmo 50:10
“May-ari ba ako o katiwala lang?” Ito ang tanong sa sarili ng may-ari ng isang malaking kompanya habang pinag-iisipan kung ano ang pinakamabuti para sa pamilya niya. Nag-aalala siya sa mga tuksong kasama ng malaking kayamanang maiiwan niya. Ayaw niyang danasin ito ng kanyang mga tagapagmana. Kaya, isinuko niya ang pagmamay-ari ng kompanya at ipinagkatiwala ang buong karapatan sa isang katiwala. Kinilala niyang ang lahat ng mayroon siya ay sa Dios, at nakatulong ito sa kanyang pagpapasya. Dahil sa ginawa niya, kumikita siya para sa pamilya at nakapagtatabi pa para pondohan ang gawain ng Panginoon.
Ang sabi ng Dios sa Salmo 50:10, “Akin ang lahat ng hayop: ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol.” Bilang lumikha ng lahat ng bagay, walang utang ang Dios sa atin, at wala Siyang kailangan sa atin (TAL. 9). Ibinibigay Niya ang lahat ng kailangan natin, maging ang lakas at kakayahang maghanap-buhay. Dahil dito, karapat-dapat Hi-tech вібратор vibrator silicone 2*8 white bomba💣 — цена 2247 грн в каталоге Вибраторы ✓ Купить товары для красоты и здоровья по доступной цене на Шафе , Украина #156667046 Siya sa ating taos-pusong pagsamba gaya ng sinasabi air jordan 13 black flint sa aklat ng mga Salmo.
Pag-aari ng Dios ang lahat ng bagay. Pero dahil mabuti Siya, pinili Niyang ibigay ang Kanyang sarili at pumasok sa isang relasyon sa sinumang magtitiwala sa Kanya. Si Jesus “ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay [ng Kanyang] buhay para matubos ang maraming tao” (MARCOS 10:45). Kapag pinahalagahan natin ang Nagbigay kaysa sa mga ibinibigay Niya, at pinaglingkuran Siya gamit ang mga ito, magiging masaya tayo sa piling Niya magpakailanman.
Ano ang ibinigay sa’yo ng Dios na ipinagpapasalamat mo? Paano mo ito magagamit sa paglilingkod sa Kanya?
Tapat na Manlilikha, Ikaw po ang lumikha ng lahat ng bagay. Tulungan mo po akong gamitin ang aking buhay bilang kaloob Mo.
Isinulat ni James Banks


Leave a Reply