ANUMANG BIGAY NG DIOS

·

·

ANUMANG BIGAY NG DIOS

Basahin: EXODUS 4:1-5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: DEUTERONOMIO 5-7; MARCOS 11:1-18

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?” – Exodus 4:2

Ang city hall ng Brisbane sa bansang Australia ay isang napakagandang proyektong sinimulan air jordan 4 retro red thunder noong 1920. Gawa ang mga puting hagdan nito mula sa kaparehong marmol na ginamit sa “David,” ang eskultura ng sikat na alagad ng sining na si Michaelangelo. Katulad naman ng St. Mark’s Basilica sa lungsod ng Venice ang tore nito. Samantala, ang bilog na bubong nito na gawa sa tanso ang pinakamalaki sa Southern Hemisphere. Gusto pa sana itong lagyan sa pinakatuktok ng malaking estatwang anghel. Kaya lang, wala nang pondo. Ngunit nakaisip ang tuberong si Fred Johnson ng ibang paraan. Gamit ang mga pira-pirasong bakal, lumang poste ng lampara, at ilang bahagi ng tanke ng inidoro, nakagawa siya ng hugis globong eskultura na ngayon ay halos isang daang taon nang nasa tuktok ng tore.

Gaya ni Fred Johnson na gumamit ng kung ano ang mayroon siya, maaari rin tayong maglingkod sa Dios gamit ang anumang mayroon tayo, marami man ito o kaunti lang. Sa Exodus 4:1, nang sabihan ng Dios si Moises na pangunahan ang Israel sa paglabas sa Egipto, tinanong niya: “Paano po kung hindi [sila] makinig sa sasabihin ko?” Simple lang ang isinagot ng Dios, “Ano iyang hawak mo?” (TAL. 2). Hawak ni Moises ang isang simpleng tungkod. Iniutos ng Dios na ihagis niya ito sa lupa, at “naging ahas ito” (TAL. 3). Pinapulot nike lebron backpack red black dress shoes size – Cushioned Vomero Plus Running Shoe , EduShops° – Available Now: Nike's Max niya kay Moises ang ahas at naging tungkod ulit ito. Ang kailangan lang gawin ni Moises ay hawakan ang tungkod at magtiwalang ang Dios na ang bahala sa lahat. Ang tungkod na iyon ang ginamit ng Dios para palayain ang Israel mula sa Egipto (7:10-12; 17:5-7).

Maaaring sa tingin natin, hindi sapat ang mayroon tayo. Pero para sa Dios, sapat na iyon.

Maaaring sa tingin natin, hindi sapat ang mayroon tayo. Pero para sa Dios, sapat na iyon. Ginagamit Niya ang mga ordinaryong kakayahan natin para sa Kanyang gawain.

Anong maliit na bagay ang maaari mong gamitin para sa Dios? Bakit mahalagang ipagkatiwala mo ito sa Kanya?

O Dios, isinusuko ko po sa Iyo ang anumang mayroon ako.

Isinulat ni Winn Collier 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *