NILIKHA NIYA ANG LAHAT
Basahin: SALMO 104:24-35 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: DEUTERONOMIO 11-13; MARCOS 12:1-27
Kay dami ng Inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha N’yo ang lahat ayon sa Inyong karunungan. – Salmo 104:24
Namasyal kami ng tatlong taong gulang kong anak na si Xavier sa Monterey Bay Aquarium sa California. Pagpasok pa lang, pinisil na niya ang kamay ko sa tuwa. Nanlaki ang mata niya nang makita ang eskultura ng isang balyena. Patuloy ang saya niya habang nililibot namin ang lugar. Nagtawanan kami nang mapanood ang mga malilikot na otter habang kumakain. Namangha rin kami sa malaking aquarium habang pinanonood na lumangoy ang mga tila kulay gintong dikya best nike running shoes sa asul na tubig. Sabi ko sa anak ko, “Nilikha ng Dios ang lahat ng nilalang sa dagat, at Siya rin ang lumikha sa atin. “Wow,” tugon ng anak ko.
Kinilala Website unavailable – OVHcloud ng sumulat ng Salmo 104 ang maraming nilikha ng Dios sa pamamagitan ng awit: “Kay dami ng Inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha N’yo ang lahat ayon sa Inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng Inyong nilikha. Ang dagat ay napakalawak, at hindi mabilang ang Inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit” (TAL. 24-25). Ipinahayag din niya ang nag- uumapaw na probisyon ng Dios sa Kanyang nilikha (TAL. 27-28). Ayon din sa kanya, itinakda na ng Dios kung hanggang kailan mabubuhay ang bawat nilikha Niya (TAL. 29-30).
Samahan nating umawit ang sumulat ng salmong ito, “Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga” (TAL. 33). Maaaring magtulak sa atin ang bawat nilikha, malaki man o maliit, upang purihin ang Dios dahil Siya ang lumikha sa kanilang lahat.
Kailan mo pinuri ang Dios habang minamasdan ang Kanyang magandang nilikha? Paano nito napalalim ang pananampalataya mo sa Kanyang biyaya at kapangyarihan?
Makapangyarihang Manlilikha at Tagapagbigay ng lahat, karapat-dapat po Kayo sa lahat ng aking papuri!
Isinulat ni Xochitl Dixon


Leave a Reply