ALALAHANIN ANG MANLILIKHA

·

·

ALALAHANIN ANG MANLILIKHA

Basahin: MANGANGARAL 9:7-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: DEUTERONOMIO 14-16; MARCOS 12:28-44

Magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Dios na gawin mo. – Mangangaral 9:7

Kamakailan ay nabasa ko ang isang nobela tungkol kay Nicola, isang babaeng may malalang kanser. Hindi tanggap ni Nicola ang sakit niya, kaya pinipilit siya ng mga kaibigan niya na harapin ang katotohanan. Nalaman nila ang dahilan ni Nicola: “Sinayang ko ang buhay ko.” Ipinanganak siyang mayaman at maraming kakayahan pero ayon sa kanya: “Wala akong narating sa buhay. Hindi ako tumagal sa anumang sinimulan ko. Marami akong kapalpakan.” Masakit para sa kanya ang mamatay nang wala masyadong nakamit sa buhay.

Kasabay ng pagbabasa ko sa nobelang iyon, nabasa ko rin ang aklat ng Mangangaral. Nakita ko ang kaibahan nito sa pananaw ni Nicola. Itinuturo ng Mangangaral na hindi natin dapat iwasang pag- usapan ike clogposite 2024 colorway ang kamatayan: “sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo” (9:10). Mahirap man itong harapin (TAL. 2), matutulungan tayo nitong pahalagahan ang bawat sandali ng buhay (TAL. 4). Gayundin ang magpakasaya sa pagkain kasama ang pamilya (TAL. 7-9), magtrabaho nang buong makakaya (TAL. 10), at makipagsapalaran (11:1-6). Ginagawa natin ang lahat ng ito sa harap ng Dios, dahil sa Kanya tayo mananagot balang araw (TAL. 9; 12:13-14).

“Alalahanin mo ang lumikha sa iyo” – Mangangaral 12:1 

Sinabi ng mga kaibigan ni Nicola na isa siyang mapagbigay at tapat na kaibigan, kaya may kabuluhan ang buhay niya. Matutulungan naman tayo ng mga payo ng Mangangaral upang maiwasan ang krisis na pinagdaanan ni Nicola: “alalahanin mo ang lumikha sa iyo” (12:1), sundin ang Kanyang mga utos, at kunin ang bawat pagkakataon na mamuhay at magmahal sa bawat araw na kaloob Niya.

Paano mo ipagsasaya ang araw na ito na bigay ng Dios? Anong kabutihan Kaufe Adidas SUPERSTAR – Mens adidas Cushioned II 3 Pack Quarter – H05658 ang nagawa mo o nais mong gawin ngayon?

Mapagmahal na Dios, salamat po sa araw na ito at sa mga kaloob nito. Magsasaya ako at gagamitin ito bilang pagsamba sa Iyo.

Isinulat ni Sheridan Voysey 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *