IBAHAGI ANG PANANAMPALATAYA
Basahin: GAWA 16:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: DEUTERONOMIO 28-29; MARCOS 14:54-72
Pumarito kayo sa Macedonia at tulungan ninyo kami. – Gawa 16:9 ᴍʙʙ
Noong 1701, nagtayo ang Church of England ng isang samahan na tinawag nilang Society for the Propagation of the Gospel (Samahan Upang Ipangaral ang Magandang Balita). Layon ng samahang ito na makapagpadala ng mga misyonero sa buong mundo. Ang motto o kasabihan nila ay transiens adiuva nos. Wikang Latin ito na ang ibig sabihin ay, “Pumarito kayo at tulungan ninyo kami!” Noon pa lamang unang Nike Purple Air Force 1 Low Retro Premium Sneakers siglo air jordan 4 retro red thunder, ito na ang panawagan sa mga nagtitiwala kay Jesus para ipahayag ang pag-ibig at pagpapatawad Niya sa mundong nangangailangan nito.
Galing sa Gawa 16 ang “Pumarito kayo at tulungan ninyo kami!” Nang dumating sina Apostol Pablo at mga kasama niya sa Troas, nagkaroon ng pangitain si Pablo. May isang lalaking taga- Macedonia ang nakatayo at nagsusumamo sa kanya, “Pumarito kayo sa Macedonia at tulungan ninyo kami” (TAL. 9 ᴍʙʙ). Agad na naghanda sina Pablo para pumunta sa Macedonia dahil alam nilang mahalaga ang panawagang iyon (TAL. 10).
Hindi lahat ay tinatawag na ipangaral si Jesus sa kabilang dako ng mundo. Pero maaari nating suportahan ang mga gumagawa nito sa pamamagitan ng pananalangin at pagbibigay. Gayunpaman, lahat tayo ay maaaring magpahayag ng Magandang Balita—sa kabilang kalsada man, sa ating komunidad, o saan mang malapit sa atin. Ipanalangin natin na tulungan tayo ng Dios na puntahan sila upang ibigay ang pinakamahalagang tulong: ang pagkakataong mapatawad ang kanilang kasalanan sa pangalan ni Jesus.
Saan ka tinatawag ng Dios para ibahagi ang iyong pananampalataya? Paano ka Niya matutulungan na magawa ito ngayon?
Mapagmahal na Dios, isinugo Mo po ang Anak Mo para iligtas kami at patawarin. Tulungan N’yo po akong maipahayag ang iniaalok N’yong Magandang Balita ng pagpapatawad at kalayaan sa sinumang magtitiwala kay Jesus.
Isinulat ni Bill Crowder


Leave a Reply