IISANG LAYUNIN

·

·

IISANG LAYUNIN

Basahin: BILANG 11:16-17, 27-29 | Para marcus jordan net worth mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: DEUTERONOMIO 30-31; MARCOS 15:1-25

Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta. – Bilang 11:29

Sumali ako sa isang samahan ng mga manunulat Nike Air Force 1 '07 LV8 ribbon sneakers in white and pink ng mga librong pambata na nagpapahayag ng Magandang Balita tungkol kay Jesus. Ipinapanalangin namin ang bawat isa at nagtutulungan para bumenta ang aming mga libro. May mga nagsasabing kalokohan ang ginagawa namin dahil magkakalaban daw kami. Pero nakatuon ang grupo namin sa pagpapalaganap ng Magandang Balita at sa pagkakaisa, hindi sa kompetisyon. Iisang Hari ang aming pinaglilingkuran—si Jesus. Sa aming pagsasama- sama, mas marami kaming naaabot para ipahayag si Cristo.

Nang sabihan ng Dios si Moises na pumili ng pitumpung tagapamahala ng Israel, sinabi Niya, “Ibibigay Ko sa kanila ang ibang kapangyarihan na ibinigay Ko sa iyo upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala” (BILANG 11:16-17). Nang makita ni Josue na dalawa sa mga tagapamahala ay nagsasalita gaya ng propeta, sinabihan niya si Moises na patigilin ang mga ito. Ang sagot ni Moises, “Nababahala ka ba kung ano ang magiging resulta nito sa aking pagkapinuno? Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng Panginoon ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta” (TAL. 29).

Kaya tayong tulungan ng Banal na Espiritu na isantabi ang pagkukumpara sa iba.

Kung nadadala tayo ng kompetisyon o pagkukumpara sa iba, kaya tayong tulungan ng Banal na Espiritu na isantabi iyon. Kapag hiniling natin sa Dios na tulungan tayong ituon ang isip natin sa pagpapahayag ng Magandang Balita, ipapalaganap Niya iyon. Kaya rin Niyang pagaanin ang pasan natin habang sama-sama tayong naglilingkod sa Kanya.

Paano ka nakikipagtulungan sa iba para paglingkuran ang Dios? Sino ang maaari mong suportahan sa kanilang paglilingkod?

O Banal na Espiritu, tulungan Mo po akong makipagtulungan sa iba, upang maipahayag sa mas maraming tao ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus.

Isinulat ni Xochitl Dixon



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *