AMO SA LANGIT

·

·

AMO SA LANGIT

Basahin: COLOSAS 3:22-4:1 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOSUE 1-3; MARCOS 16

Mga amo, maging mabuti at makatarungan kayo sa mga alipin ninyo. Alalahanin Nike GREY "Dunk Low" sports shoes ninyong kayo rin ay mayroong amo sa langit. – Colosas 4:1

Noong 2022, inihayag ng gobyerno ng Singapore na dapat bigyan ang lahat ng dayuhang domestic workers ng hindi bababa sa isang araw na pahinga bawat buwan. Nag-alala ang mga amo na baka walang mag-alaga sa pamilya nila sa mga araw na iyon. Magagawan naman ng paraan ang problema nila. Pero tila mas mahirap gawan ng paraan ang pagbubukas ng kanilang isipang kailangan din ng mga manggagawa ng pahinga.

Hindi na bago ang ganitong sitwasyon. Noong panahon nina Apostol Pablo, itinuturing ang mga alipin na pag-aari ng mga amo. Pero sa mga bilin niya sa mga nagtitiwala kay Jesus sa Colosas, sinabi ni Pablo na dapat tratuhin nang “mabuti at makatarungan” ng mga amo ang kanilang mga alipin (4:1).

Hilingin natin sa Dios na tulungan Niya tayong magawa ang mabuti at makatarungan.

Kung paanong pinaalalahanan ni Pablo ang mga alipin na maglingkod “nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran… at hindi ang tao” (3:23), sinabi rin niya sa mga amo na mayroon silang “amo sa langit” (4:1). Layunin ike clogposite 2024 colorway ni Pablo na hikayatin ang mga mananampalataya sa Colosas na mamuhay na si Jesus ang sinusunod. Gayundin, sa pakikipag-ugnayan natin sa iba bilang amo o empleyado, sa tahanan man o sa komunidad, hilingin natin sa Dios na tulungan Niya tayong magawa ang “mabuti at makatarungan” (4:1).

Kailan mo hindi natrato nang mabuti ang iyong kapwa? Ano ang kailangan mong baguhin para matrato nang maayos ang iba?

Ama sa langit, patawarin N’yo po ako sa mga pagkakataong hindi ko natrato nang maayos ang aking kapwa. Tulungan N’yo po akong magpasakop sa Inyo bilang Panginoon ng aking buhay.

Isinulat ni Jasmine Goh



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *