ANG SUSUNOD NA HAKBANG
Basahin: 1 JUAN 3:16-18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOSUE 10-12; LUCAS 1:39-56
Huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa. – 1 Juan 3:18
Ano ang maaaring magtulak sa isang tao upang tulungan ang kanyang kakompetensya? Kilalanin natin si Adolfo, may- ari ng isang restawran sa lugar ng Wisconsin sa Amerika. Tumulong siya sa mga kapwa niya negosyante sa panahon ng Covid. Alam kasi ni Adolfo ang mga hamon sa pagpapatakbo ng negosyo sa panahon ng pandemya. Nang makita air jordan 4 retro red thunder niya ang kabutihang-loob ng isang kapwa negosyante, nahikayat siyang mamigay sa kanyang mga suki ng halagang 2 libong dolyar na gift card. Gamit ang mga gift card, makakabili sila ng pagkain sa ibang restawran. Pagpapakita iyon ng pag-ibig hindi lamang sa salita, kundi pati sa gawa.
Sa Biblia naman, hinikayat ni Juan ang kanyang mga mambabasa na gawin ang susunod na hakbang: ang ipakita ang pag-ibig sa pamamagitan ng gawa. Batay ito sa ipinakitang pag-ibig ng Panginoong Jesus nang kusang-loob Niyang ialay ang Kanyang buhay para sa sangkatauhan (1 JUAN 3:16). Para kay Juan, pag- papakita ng kaparehong pag-ibig ni Jesus ang pag-aalay ng “ating buhay para sa ating mga kapatid” (TAL. 16). Madalas, sa pamamagitan ito ng mga pang araw-araw at praktikal na aksyon gaya ng pagbabahagi ng materyal na bagay. Hindi sapat ang pagpapakita ng pag-ibig sa salita lang. Kailangang ipakita ito sa pamamagitan ng mga gawang bukal sa puso (TAL. 18).
Sa tulong ng Banal na Espiritu, maaari nating gawin ang susunod na hakbang ng pag-ibig.
Mahirap ipakita ang pag-ibig sa pamamagitan ng gawa dahil madalas, kaakibat nito ang pagsasakripisyo o kaya naman, ang unahin ang iba kaysa ating sarili. Ngunit sa tulong ng Banal na Espiritu at sa halimbawa ng pag-ibig ng Dios sa atin, maaari nating gawin ang susunod na hakbang ng pag-ibig.
Naranasan mo na bang ipakita ang pag-ibig sa pamamagitan ng gawa? Ano ang maaari mong ADIDAS Originals BLACK 'Samba 62 Super' sports shoes gawin para maipakita ang iyong pag-ibig sa praktikal na paraan?
O Jesus, tulungan N’yo po akong sundin ang Inyong halimbawa at ipakita ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
Isinulat ni Lisa M. Samra


Leave a Reply