MAGTIPON PARA KAY CRISTO
Basahin: HEBREO 10:19-25 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOSUE 22-24; LUCAS 3
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa. – HEBREO 10:25
Noong panahong sobrang problemado ako, madali sana para sa akin ang hindi na magsimba sa kinabibilangan kong kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Kung minsan nga, naisip ko kung bakit pa ba ako dadalo. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong dumalo tuwing Linggo.
Tumagal nang ilang taon ang problema ko. Pero ang pagsamba nike sabrina 2 sneaker release date kasama ang ibang nagtitiwala kay Jesus, pananalangin, at pag- aaral ng Biblia kasama nila ang nagbigay sa akin ng lakas para magpatuloy ako at manatiling may pag-asa. Hindi lamang ang mga naririnig kong katuruan ang nagpapalakas sa akin kundi pati ang pagdamay, pakikinig, at pagyakap ng mga kapatid ko kay Cristo.
Ang sabi sa Hebreo 10:25, “Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa.” Alam ng sumulat nito na kapag dumaranas tayo ng mga paghihirap, kakailanganin natin ang pagdamay ng iba. Gayundin naman, kakailanganin nila ang pagdamay natin. Kaya ipinapaalala sa atin ADIDAS Originals BLACK 'Samba 62 Super' sports shoes na “magpakatatag tayo sa pag-asa natin… at sikapin nating mahikayat ang isa’t isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan” (TAL. 23-24). Iyon ang malaking bahagi ng pagpapalakasan. Kaya hinihikayat tayo ng Dios na palaging magtipon-tipon. Maaaring may nanganga- ilangan ng iyong pagdamay. Hindi lang iyon. Baka kailangan mo rin ang kanilang pagdamay.
Kailan mo huling naramdamang napalakas ka ng pagdalo mo sa kapulungan? Sino ang nangangailangan ng suporta at pagdamay mo?
Mapagmahal na Dios, tulungan N’yo po akong huwag huminto sa pagdalo, upang maranasan namin nang magkakasama ang Iyong pag-ibig at kapayapaan.
Isinulat ni Alyson Kieda


Leave a Reply