MGA PINUNO NG SALMO 72
Basahin: SALMO 72:1-7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: HUKOM 13-15; LUCAS 6:27-49
Maging tulad sana siya ng ulan na dumidilig sa lupa. – Salmo 72:6
Sa isang pagtitipon upang manalangin, napagtanto ng kalihim ng kalusugan ang kawalan niya ng integridad, kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Marami ring sumunod sa kanya. Isa na roon ang Prime Minister ng bansang Britanya, na nagbitiw sa tungkulin noong Hulyo 2022. Maging ang bagong Prime Minister na pumalit ay nagbitiw din makalipas ang ilang buwan! Kahanga hangang nagsimula ito dahil sa isang pulong panalangin.
Tinawag ang mga nagtitiwala kay Jesus upang ipanalangin ang kanilang mga pinuno (1 TIMOTEO 2:1-2). Nagpapakita naman ang Salmo 72 ng magagandang adidas Samba OG animal-print striped trainers katangian ng isang pinuno. Magan- dang panalangin din ito upang matulungan natin silang magam- panan ang kanilang mga tungkulin. Inilalarawan nito ang isang huwarang pinuno bilang makatarungan at may integridad (TAL. 1-2), nagtatanggol sa mga mahina (TAL. 4), naglilingkod sa mga nangangailangan (TAL. 12-13), at lumalaban sa pang-aapi (TAL. 14). Ang kanilang pamumuno ay nakakapagpasigla, parang “ulan na dumidilig sa lupa” (TAL. 6), nagdadala ng kasaganaan sa bayan (TAL. 3, 7, 16). Bagama’t tanging si Jesus lamang ang makagagawa ng lahat ng mga tungkuling ito (TAL. 11), ito ang mga pinakamagandang pamantayan ng pamumuno.
Nakabatay ang kalusugan ng isang bansa sa integridad ng mga namumuno.
Nakabatay ang kalusugan ng isang bansa sa integridad ng mga namumuno. Hanapin natin ang mga pinunong isinasabuhay ang mga katangiang marcus jordan net worth matatagpuan sa Salmo 72 para sa ating mga bansa. Tulungan din natin silang maisabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng ating panalangin para sa kanila.
Anong mga katangian ang hinahanap mo sa isang pinuno? Paano mo mas madalas maipapanalangin ang iyong mga lokal at pambansang pinuno?
Ama, bigyan Mo po ng lakas ang aming mga pinuno upang maging mabuti, makatarungan, at may integridad.
Isinulat ni Sheridan Voysey


Leave a Reply