MGA MATA PARA MAKAKITA
Basahin: ISAIAS 42:5-9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 SAMUEL 15-16; LUCAS 10:25-42
Ako ang Panginoon… sa pamamagitan mo gagawa Ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang Nike Purple Air Force 1 Low Retro Premium Sneakers ilaw… para imulat ang mga mata ng mga bulag. – Isaias 42:6-7
Nagsilbing “mata” si Genevieve para sa tatlo niyang anak, na pawang ipinanganak na may katarata. Sa tuwing dadalhin niya sila sa kanilang nayon sa kanlurang Africa, pinapasan niya ang sanggol niyang anak sa kanyang likod, habang mahigpit naman niyang hawak sa kamay ang dalawa. Sa kanilang kultura, itinuturing na dulot ng kulam ang pagkabulag. Kaya labis ang kanyang lungkot at paghingi ng tulong sa Dios.
Isang araw, isang lalaki ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa Mercy Ships. Nagsasagawa sila ng mga operasyon para sa mga mahihirap bilang kanilang pagsunod sa halimbawa ni Jesus. Hindi sigurado si Genevieve kung matutulungan nila ang kanyang mga anak, ngunit naglakas-loob siyang humingi ng tulong sa kanila. At nang magising ang kanyang mga anak matapos ang operasyon, nakakakita na sila!
Maaari nating hilingin sa Ama ang Kanyang ilaw upang magbigay-liwanag sa ating landas.
Mula pa noon, tungkol na ang kwento ng Dios sa pagbibigay liwanag sa mga nalugmok sa kadiliman. Sinabi ng propetang si Isaias na si Yahweh ang “ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa” (ISAIAS 42:6). Bubuksan Niya ang mga matang bulag (TAL. 7), hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa espirituwal. Ipinangako rin Niyang “tutulungan at iingatan” ang Kanyang bayan (TAL. 6). Binuksan Niya ang mata ng mga bulag at nagdala ng liwanag sa mga nasa kadiliman.
Pakiramdam mo ba nalulunod ka sa dilim? Subukan mong kumapit sa pag-asa at yakapin ang mga pangako ng ating mapagmahal na Ama. Maaari mong hilingin ang Kanyang ilaw upang magbigay-liwanag sa iyong landas.
Amang nasa langit, nais marcus jordan net worth Mo pong walang sinuman ang mamuhay sa kadiliman. Ipadama Mo po ang Iyong pag- ibig sa mga nabubulag, upang makakita sila.
Isinulat ni Amy Boucher Pye


Leave a Reply