Tagumpay at Sakripisyo
Basahin: 1 Juan 3:11–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 4–5; Mateo 24:29–51
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: ibinigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang buhay para sa atin. — 1 Juan 3:16
Minsan, pinabasa ang anak ko ng kanyang guro. Binasa niya ang isang libro tungkol sa isang bata na gustong akyatin ang kabundukan ng Switzerland. Nagsanay naman ang bata upang matupad ang kanyang pangarap. Ngunit, noong umakyat siya, marami ang nangyari na hindi sumang-ayon sa kanyang plano. Nagkaroon ng sakit ng kanyang kasamahan. Pero sa halip na unahin niya ang pagtupad ng kanyang pangarap, inuna niya ang pagtulong sa kanyang kapwa.
Nagtanong ang guro sa buong klase. Sinabi niya, “Isa bang kabiguan sa bata ang nangyari, dahil hindi niya naakyat ang bundok?” Sumagot ang isang estudyante, “Opo, dahil nasa dugo na niya ang mabigo.” Salungat naman sa nauna ang sagot ng isa pang estudyante. Sinabi nito na hindi nabigo ang bidang bata dahil inuna niya ng tumulong sa iba.
Ama naming nasa Langit, nais ko pong maging matagumpay sa Inyong paningin.
Kung isasantabi naman natin ang ating mga plano at uunahin ang pagtulong sa ating kapwa, natutularan natin ang ginawa ni Jesus. Pinili kasi ni Jesus na hindi magkaroon ng magandang bahay, malaking sweldo o sumikat sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Dios. Sa halip, ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang mapalaya tayo sa ating mga kasalanan at maipadama ang pag-ibig ng Dios sa atin (1 Juan 3:16).
Ang pagiging matagumpay sa mundong ito ay iba sa tagumpay na nakikita ng Dios. Mahalagang tumulong tayo sa mga taong nangangailangan dahil ito ang nais ng Dios na gawain natin (Tal. 17). Sa tulong ng Dios, maaari nating iayon ang ating mga plano sa Kanya.
Bakit kaya mahirap iayon ang ating mga hangarin sa buhay sa mga bagay na tunay na mahalaga sa Dios?
Isinulat ni Jennifer Benson Schuldt
Leave a Reply