Iisa
Basahin: Roma 12:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 17-18; Mateo 27:27–50
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito . Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip. — Roma 12:2
Umabot ang balita kay David na isusubasta na ng bangko ang lupaing isinangla nila noon. Dala ang kanyang naipon, nagpunta si David sa lugar kung saan gaganapin ang pagbebenta. Doon, kasama niya ang higit sa dalawang daang lokal na magsasaka at mamimili. Tanong niya, “Sapat kaya ang pera ko?”
Nang tawagin ang lupa nila, agad na nagbigay ng presyo si David. Huminga siya ng malalim ng magtawag ang namumuno kung may mas mataas na presyo pang hihigit sa sinabi niya. Ngunit nanatiling tahimik ang lahat, hanggang sa marinig nila ang pagpukpok sa malyete. Inuna ng mga magsasaka, ang pangangailangan ni David at ng kanyang pamilya, kaysa sa sarili nila at para kumita.
Dios Ama, tulungan Mo po akong alisin ang pagiging makasarili ko upang magmahal ako ng lubos.
Ang ginawang kabaitan at pagbabauya ng mga magsasaka ang nais ni Apostol Pablo na isabuhay ng mga tagasunod ng Dios. Ipinaalala sa atin ni Pablo na “Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito” (Roma 12:2 ABAB), sa pag-una sa pansariling kapakanan bago ang iba. Sa halip, magtiwala tayo sa Dios na tutugunan Niya ang ating mga pangangailangan habang naglilingkod tayo sa iba. Sa pag-una natin sa pangangailangan ng iba, maiiwasan natin ang maging makasarili. Habang ipinapaalala sa atin ng Dios na bahagi tayo ng isang bagay na mas malaki-ang simbahan (Tal. 3-4).
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu upang maunawaan at sundin ang Kasulatan. Binibigyan Niya tayo ng pagkakataon na magmahal nang lubos, upang sama-sama tayong umunlad bilang isa.
Paano mo uunahin ang mga pangangailangan ng ibang tao bago ang iyong sarili?
Isinulat ni Xochitl Dixon
Leave a Reply