Maliliit Na Asong-gubat
Basahin: Awit ng mga Awit 2:3-15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Deuteronomio 32-34; Marcos 15:26–47
Bilis! Hulihin ang mga asong-gubat na sumisira ng aming mga ubasang namumulaklak. — Awit ng mga Awit 2:15
Hindi nagkasya ang tsaa ng piloto sa cupholder, kaya pinatong niya iyon sa mesa sa gitna. Nang mauga ang eroplano, tumapon ang inumin sa control panel, at namatay ang makina. Na-divert ang flight at ligtas na nakapag-landing, pero nang maulit iyon sa isang crew ng ibang airline matapos ang dalawang buwan, nalaman ng nag-manufacture na may problema. $300 milyon ang halaga ng eroplano, pero sobrang liit ng mga cupholder doon. Ang maliit na pagkalingat at nagdala ng ilang masasakit na sandali.
Ang maliliit na detalye ay kayang sumira ng malalaking plano, kaya inudyukan ng lalaki sa Awit ng mga Awit ang minamahal niya na hulihin “ang maliliit na asong-gubat, silang naninira ng mga puno ng ubas (2:15, FSV)” ng pag-ibig nila. Nakita niya ang mga ito na umaakyat sa mga pader at humuhukay sa ubasan. Mahirap silang hulihin pero hindi sila dapat ipagwalang-bahala.
Ama, nawa ang Iyong di-pangkaraniwang pag-ibig ay dumaloy sa akin sa pangkaraniwang paraan.
Anu-ano ang nagiging banta sa mga pakikipagrelasyon mo? Maaring hindi iyon mga kalakihang kasalanan. Baka maliliit na asong-gubat lang, isang maliit na komento o kaunting hukay sa ugat ng pag-ibig mo. Kapag nagpapatung-patong ang maliliit na kasalanan, ang dating namumulaklak na pagkakaibigan o mainit na relasyong mag-asawa ay manganganib na mamatay.
Nawa ay tulungan tayo ng Dios na hulihin ang maliliit na asong- gubat! Hingin at ibigay natin ang kapatawaran kung kailangan at palaguin ang ating mga ubasan habang binibigay ng Dios ang pangangailangan natin.
Anong mga bagay ang sumisira sa iyong relasyon sa iba? Ano ang ginagawa mong paraan upang makapagpatawaran kayo at magsimulang muli sa tulong ni Jesus?
Isinulat ni Mike Wittmer
Leave a Reply