Isang Buhay Na May Integridad

·

·

Isang Buhay Na May Integridad

Basahin: Kawikaan 11:1–3 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Josue 22-24; Lucas 3

Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid. — Kawikaan 11:3

Ilang yarda na lang, panalo na si Abel Mutai, isang Kenyan na mananakbo na nakikipaglaban sa isang napakahirap na karera sa ibang bansa—sigurado na ang pangunguna niya. Pero nalito siya at noong inakala niyang natawid na niya ang finish line, huminto si Mutai. Nakita ng sumusunod sa kanyang si Ivan Fernandez Anaya na nagkamali si Mutai.

Pero imbis na manamantala at tumakbo para manalo, nilapitan niya si Mutai at inalalayan para manalo ito ng gintong medalya. Nang tanungin si Anaya ng mga reporter kung bakit sinadya niyang matalo sa karera, sinabi niyang karapat- dapat na manalo si Mutai, at hindi siya. “Ano ang magiging silbi ng panalo ko? Ano ang karangalan ng medalyang iyon? Ano ang iisipin ng nanay ko?” Gaya ng sinabi sa isang balita: “Pinili ni Anaya ang katapatan kaysa sa katagumpayan.”

Sinasabi sa Kawikaan na ang mga nagnanais na mabuhay nang tapat, ay gumagawa ng mga pasya base sa kung ano ang totoo at hindi kung ano lang ang nababagay. “Katapatan ang gagabay sa kanila” (11:3). Ang pagiging tapat ay hindi ang natatanging tamang paraan para mabuhay, pero nag-aalok ito ng mas mabuting buhay. Nagpapatuloy ang kawikaan: “ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak” (Tal. 3). Sa huli, hindi ito matalinong gawin.

Kung iiwanan natin ang ating integridad, magkakaroon tayo ng maiiksing “panalo.” Pero patuloy tayong inaayos ng Dios para maging matapat at totoo, unti-unti tayong magiging bayan na may tunay na mabuting buhay.

Saan nasusubok ang iyong katapatan sa mga oras ngayon?

Ano ang pinili mo? Naging matapat ka ba?

Isinulat ni Winn Collier

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links