Panghihina

·

·

Panghihina

Basahin: Salmo 103:13–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Samuel 19-20; Lucas 18:1–23

Dahil alam Niya ang ating kahinaan, alam Niyang nilikha tayo mula sa lupa. — Salmo 103:14

Sa aming lingguhang pagpupulong ay naikuwento sa akin ni Warren na nakakaramdam na silang mag-asawa ng panghihina. Sa aking palagay ang tinutukoy niya ay ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap dahil sa kanilang pagtanda. Para kay Warren at sa kanyang asawa na parehong malapit nang maging pitumpu’t taong gulang, bahagi na ng kanilang buhay ang pagbisita sa mga doktor. Madalas na rin silang humarap sa iba’t ibang problema sa kalusugan, pagsasaayos ng mga kasangkapan at kagamitan sa bahay upang makakilos sila ng ayos. Nararamdaman na nila ang kanilang kahinaan dahil sa pagtanda.

Hindi naman kinakailangan na tayo’y mabuhay ng mahaba bago natin malaman ang ating mga kahinaan at kakulangan – sa pisikal, intelektuwal, emosyonal at espirituwal. Ang Dios, sa pamamagitan ni Jesus ay nagkatawang-tao upang pagmalasakitan ang mga nagkasala at mahihina.

Kung paanong ang Ama ay nahahabag sa Kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa Kanya (Salmo 103:13). Sinulat ni Haring David, “Dahil alam Niya ang ating kahinaan, alam Niyang nilikha tayo mula sa lupa” (Tal. 14). Maaalala natin ang aklat ng Genesis sa salitang lupa, “Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan Niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang” (2:7).

Ikaw ba’y nakakaramdam ng panghihina? Maligayang pagharap sa buhay. Tandaan, na kapag nararamdaman natin na pinakamahina tayo, hindi tayo kailanman mag-iisa. Hindi tayo iiwan at pababayaan ng ating mapagmahal na Dios na nagsakripisyo ng Kanyang bugtong na Anak upang mapatawad ang mga kagaya nating makasalanan. Anumang pagsubok ang dumating, pagtiwalaan natin Siya.

Dios Ama, madalas akong maging mahina. Tulungan N’yo akong maging malakas at magtiwala sa Inyo.

Isinulat ni Arthur Jackson

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links