Batid Niya

·

·

Batid Niya

Basahin: Salmo 139:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 21-22; Lucas 23:26–56

Ako’y Iyong siniyasat, batid Mo ang buhay ko, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak Mong nalalaman. — Salmo 139:1

Malapit nang magsimulang magtrabaho si Lea bilang nurse sa Taiwan. Mas matutustusan na niya ang pangangailangan ng pamilya, kaysa kung sa Maynila na mas limitado ang trabaho at kita. Noong huling gabi bago tumungo sa Taiwan, nagbilin siya sa kapatid na mag-aalaga sa anak niyang limang taong gulang. “Iinumin niya ang bitamina kung bibigyan mo rin siya ng isang kutsara ng peanut butter. Mahiyain ang batang iyan kaya baka ‘di agad makipaglaro sa mga pinsan. At, takot siya sa dilim …” Kinabukasan, nanalangin si Lea habang nakatanaw mula sa bintana ng eroplano: Panginoon, walang nakakakilala sa anak ko tulad nang pagkakakilala ko. Hindi ko siya makakasama, pero Ikaw samahan Mo po siya.

Kilala natin ang mga mahal natin sa buhay. Mahalaga sa atin kahit na maliit na bagay tungkol sa kanila. Madalas tayong mag-alala na baka malagay sila sa kapahamakan dahil walang nakakakilala sa kanila tulad sa pagkakakilala natin.

Pero paalala sa atin ni Haring David na higit tayong kilala ng Dios lubos din Niyang kilala ang mga mahal natin sa buhay (Salmo 139: 1-4). Siya ang Lumikha (Tal. 13-15), kaya’t alam Niya ang mga pangangailangan nila. Alam Niya kung ano ang magaganap sa bawat araw ng buhay nila (Tal. 16), at kapiling Niya sila at hindi sila iiwan (Tal. 5, 7-10).

Kapag nababalisa ka dahil sa pag-aalala mo sa iba, ipagkatiwala mo sila sa Dios dahil walang hihigit sa pag-ibig ng Dios at alam ng Dios ang pinakamainam para sa kanila.

Sino’ng puwede mong ipagkatiwala sa pangangalaga ng Dios?

Paano mo maipapakita ang tiwala mo sa Dios sa bagay na ito?

Ama, sa Langit, ipinagkakatiwala ko po sa’Yo ang mga mahal ko dahil kilala at iniibig Mo sila nang lubos.

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links