Huminto Para Magdasal

·

·

Huminto Para Magdasal

Basahin: Josue 9:7–15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Cronica 7-9; Juan 11:1–29

Hindi man lamang [sila] sumangguni kay Yahweh. – JOSUE 9:14 MBB

Bumulwak ang tubig sa kalye mula sa fire hydrant. May ilang kotse sa unahan ko ang nabasa na. Naisip ko, libreng linis ng kotse! Isang buwan nang hindi nalilinis ang kotse ko at makapal na ang alikabok. Humarurot na ako tungo sa tubig.

Krak! Ang bilis ng pangyayari. Maaga pa lang nainitan na ng araw ang kotse ko kaya mainit ang salamin at loob. Pero malamig ang tubig sa hydrant. Nang tamaan ng lamig ang mainit na windshield, nabasag ang salamit na parang hugis kidlat mula taas hanggang baba. Nauwi sa malaking gastos ang “libreng” palinis sana.

Kung huminto muna sana ako para mag-isip o magdasal. Nakaranas ka na ba ng ganito? Naranasan ito ng mga Israelita, sa mas grabeng sitwasyon. Pangako ng Dios na lilipulin Niya ang ibang mga bansa sa pagpasok ng mga Israelita sa lupang pangako (Josue 3:10) para hindi sila matukso sa mga dios-diosan (Deuteronomio 20:16-18). Nalaman ng isang bansa ang pagwawagi ng Israel at gumamit sila ng lumang tinapay para kunwari galing sila sa malayong lugar. “Tinikman ng mga pinuno ng Israel ang mga pagkain ngunit hindi man lamang sumangguni kay Yahweh. Kaya’t nakipagkasundo sa kanila si Josue” ng kapayapaan (Josue 9:14-15) na hindi namalayang sinuway nila ang tagubilin ng Dios.

Kapag inuuna natin ang pagdarasal, iniimbitahan natin ang paggabay, at biyaya ng Dios. Tulungan sana tayo ng Dios na maalalang “huminto” para manalangin ngayon.

Anong desisyon ang minadali mo imbes na kausapin muna ang Dios?

Ano ang kailangan ninyong pag-usapan ngayon?

Isinulat ni James Banks

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links