Gamot Sa Buong Mundo

·

·

Gamot Sa Buong Mundo

Basahin: 2 Corinto 5:11–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Cronica 10-12; Juan 11:30–57

Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang kami ng Dios na kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwala sa amin ang paglilingkod tungo sa pagkakasundo. – 2 Corinto 5:18 MBB

Sa isang liblib na bangin sa kanlurang bahagi ng Slovenia may nakatagong isang sikretong medikal na pasilidad, ang Franja Partisan Hospital.

Marami itong tauhan na gumamot sa libu-libong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdigan–hindi sila nahanap ng mga Nazi, pero mas nakamamangha na kumalinga ang ospital–na sinimulan ng kilusang nagtatanggol sa Slovenia–ng sundalong kakampi at kalaban. Tangap ang lahat sa ospital na ito.

Tinawag rin tayo ng Biblia na tulungan ang espirituwal na paggaling ng buong mundo. Kailangang maawa sa lahat—ano man ang paniniwala nila. Kailangan ng lahat ang pag-ibig at kabaitan ni Cristo. Sabi ni Apostol Pablo, “Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat” (2 Corinto 5:14). Nagkasala tayong lahat. Lahat tayo nangangailangan mapagaling ng pagpapatawad ni Jesus. At lumalapit Siya sa lahat sa atin para pagalingin tayo.

At ang nakakagulat pa, pagkatapos tayong pagalingin, pinagkatiwala ng Dios sa atin ang mensahe ng pagkakasundo (Tal. 19). Gusto ng Dios na tulungan natin ang mga taong sawi at sugatan (tulad natin). Kalahok tayo sa mga gawaing pagpapagaling sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa Dios. At para sa lahat ng handang tumanggap ang pagkikipagkasundong ito sa Dios, na siyang tunay na kagalingan.

Sino sa tingin mo ang ‘di dapat pagalingin ng Dios?

Saan ka kaya tinatawag ng Dios para sa

pagkakasundo at pagpapagaling?

O Dios, kailangan ko pong magamot. Kaya ‘di po ako dapat magtaka na kailangan din ito ng iba. Gamitin Mo po ako sa pagpapagaling Mo.

Isinulat ni Winn Collier 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links