Kaya Mo ’yan!

·

·

Kaya Mo ’yan!

Basahin: Gawa 14:21–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Job 32-33; Gawa 14

Bumalik…sila sa Lystra, Iconium, at sa Antioc…pinatatag nila ang mga tagasunod ni Jesus at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya. – Gawa 14:21–22

Ang pagpapalakas ng loob ay parang hangin—hindi tayo mabubuhay nang wala ito. Totoo ito kay James Savage. Lumangoy ang siyam na taong gulang na bata nang dalawang milya mula San Francisco hanggang Alcatraz at pabalik pa, sinira niya ang record para sa pinakabatang nakagawa ng ganoon. Pero 30 minuto bago iyon, gusto nang umayaw ni James dahil sa pabagu-bago at napakalamig na tubig. Pero isang grupo ng mga nagsasagwan ang sumigaw, “Kaya mo ’yan!” Binigyan siya niyon ng lakas para tapusin ang layunin niya.

Noong gusto nang sumuko ng mga tagasunod ni Jesus dahil sa pabagu-bago at napakalamig na tubig ng paghihirap, pinayuhan sila ng mga apostol na sina Pablo at Bernabe. Matapos ipahayag ang Magandang Balita sa Derbe, “Bumalik…sila sa Lystra, Iconium, at sa Antioc . . .pinatatag nila ang mga tagasunod ni Jesus at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya” (Gawa 14:21-22).

Pinayuhan sila na manatiling matatag ang tiwala kay Jesus. Pinahina sila ng mga problema, pero dahil sa mga salitang nagpapalakas, tumibay ang kanilang desisyon na mamuhay para kay Cristo. Nalaman nilang kaya pa nilang magpatuloy. Sa huli, ipinaintindi nina Pablo at Barnabas na “Maraming kahirapan ang dapat nating danasin para mapabilang sa paghahari ng Dios” (Tal. 22).

Maaaring mahirap mamuhay para kay Jesus, at minsan natutukso tayong sumuko. Pero puwede tayong bigyan ng lakas ng loob ni Jesus at ng mga kapwa natin mananampalataya. Sa pamamagitan Niya, kaya natin!

Isinulat ni Marvin Williams 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Kaya Mo ’yan!”
  1. Robert Avatar
    Robert

    Sa lahat nang pagdadaanan nating sitwasyon huwag nating kalimutan na meron Diyos na gumagabay sa atin. Lagi nating hingin ang kanyang pagpapala lalo na sa sitwasyon na nais nating sumuko..

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links