Chichirya
Basahin: 1 Pedro 5:1–6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 23-25; Gawa 21:18–40
Kinakaawaan Niya ang mga mapagpakumbaba. – 1 Pedro 5:5
Maliit ang isang lalagyan ng chichirya, pero nagturo ito ng malaking aral sa isang Amerikanong misyonero. Isang gabing nagtatrabaho siya sa Dominican Republic, dumating siya sa isang church meeting at nagbukas ng chihirya. Isang babaeng hindi niya kilala ang dumukot mula roon. Ganoon din ang ginawa ng iba.
Ang bastos naman, naisip ng misyonero. Tapos, nalaman niya ang isang mahalagang aral: Hindi niya naintindihan ang kultura ng lugar kung saan siya sumang-ayong maglingkod. Hindi gaya ng nakasanayan niya, sa Dominican Republic, ang buhay ay isinasabuhay sa komunidad. Ang paraan nila para makibagay sa iba ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagkain at gamit. Nang makita ng misyonero ang sarili niyang mga kaisipan, nakita niya na ang nagpapakumbabang pagbabahagi sa iba ay makakatulong sa paglilingkod niya.
Ama, palitan Mo po ang kayabangan ko ng Iyong mapagpakumbabang pag-ibig.
Itinuro ni Apostol Pablo ang aral na ito sa mga pinuno ng simbahan: tratuhin ang lahat nang may kababaang-loob. Sinabi niya sa mga nakatatanda na, “huwag maghari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo” (1 Pedro 5:3). At ang mga nakakabata? “Magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo” (Tal. 5).
Ipinahayag niya, “Kinamumuhian ng Dios ang mga mapagmataas, ngunit kinakaawaan Niya ang mga mapagpakumbaba.” Kaya, “magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Dios, dahil darating ang araw na pararangalan Niya kayo” (Tal. 6). Tulungan nawa Niya tayo ngayon na mabuhay nang may pagpapakumbaba sa harap Niya at ng iba.
Paano binabago ng Dios ang mga ugali mong
hindi kaaya-aya upang makapaglingkod ka
nang may kapakumbabaan sa iba?
Isinulat ni Patricia Raybon
Leave a Reply