Pribilehiyo Ng Pangangasiwa

·

·

Pribilehiyo Ng Pangangasiwa

Basahin: Genesis 1:20–21, 24–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 66-67; Roma 7

Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo . At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop. – Genesis 1:28

Habang nagbabakasyon, naglakad kami ng asawa ko sa dalam-pasigan at napansin namin ang isang malaking parisukat ng buhangin na napapalibutan ng bakod. Pinaliwanag ng isang kabataan na pinagsisikapan nilang mga volunteers ang pagbabantay sa mga itlog ng bawat pawikan.

Sa oras na mapisa ang itlog, puwedeng mapahamak at mamatay ang mga iyon dahil sa mga hayop at tao. “Sa kabila ng pagsisikap namin,” sabi niya, “sa tantiya ng mga scientist, isa lang ang nabubuhay sa bawat limang libong pawikan na ipinapanganak.” Sa kabila noon, hindi pinanghihinaan ng loob ang binatang nakausap namin.

Dahil sa ginagawa niyang walang pag-iimbot na adhikain, lumalim ang kagustuhan kong respetuhin at protektahan ang mga pawikan. Ngayon, may suot na akong pendant na pawikan bilang paalala na responsibilidad kong pangalagaan ang mga nilikha ng Dios.

Nang nilikha ng Dios ang mundo, nagbigay Siya ng lugar para sa bawat nilikha kung saan sila mabubuhay at uunlad (Genesis 1:20-25). Noong nilikha Niya ang tao, intensyon ng Dios na tayo ang “mamahala sa buong mundo at … lahat ng hayop” (Tal. 26). Tinutulungan tayo ng Dios na maglingkod bilang mga responsableng tagapangasiwa para alagaan ang Kanyang mga nilikha, gamit ng awtoridad na galing sa Kanya.

Sa paanong paraan mo inalagaan ang likha ng Dios?

Sa linggong ito,

paano ka magiging mas mabuting tagapangasiwa nila?

Mapagmahal na Manlilikha at Tagapagtaguyod ng lahat , ipakita Mo po sa akin ang mga kongkretong paraan para magawa ko ang responsibilidad ko bilang tagapangasiwa ng mga nilikha Mo at makapagbigay-inspirasyon sa iba na pangalagaan ang mundong ipinagkatiwala Mo sa amin.

Isinulat ni Xochitl Dixon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links