Napakasaganang Kayamanan
Basahin: Roma 11:33–36 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 81-83; Roma 11:19–36
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Dios! Hindi matarok ang Kanyang karunungan at kaalaman! – Roma 11:33 MBB
Sa isang orbit sa pagitan ng Mars at Jupiter, may ang isang asteriod na napakaraming trilyong dolyar ang halaga. Sabi ng mga scientist, binubuo ang 16 Psyche ng ginto, bakal, nickel, at platinum na di-mabilang na pera ang halaga. Sa ngayon, walang nagtatangkang minahin ang yamang ito, pero nagpaplano ang Amerika na magpadala ng mga mag-aaral sa napakamahal na bato.
Parehong nakakaakit at nakakadismaya ang pangako ng di-maabot na yaman. Siguro sa susunod, may mga tao nang magpapakahirap para marating ang 16 Psyche dahil sa kayamanan doon.
Amang Dios, tulungan Mo po akong maghanap ng Iyong karunungan at kaalaman, hatol at daan.
Pero paano naman ang kayamanan na maaabot lang natin? Hindi ba dapat lahat ay naghahangad niyon? Nabanggit ni Apostol Pablo sa kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus sa Roma ang tungkol sa maaabot na kayamanan—iyong matatagpuan natin sa relasyon natin sa Dios. Isinulat niya, “Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Dios! Hindi matarok ang Kanyang karunungan at kaalaman!” (Roma11:33 MBB).
Hindi ba iyan ang kailangan natin—higit pa kaysa mga tipak ng bato mula sa napakalayong asteriod? Puwede nating minahin ang kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Dios sa mga Kasulatan dahil tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu. Gabayan nawa tayo ng Dios para maghukay ng mga yamang iyon at nang makilala at mas pahalagahan pa natin Siya.
Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng maging mayaman
sa pag-ibig ng Dios? Paano ka maghuhukay
ng kayamanang nagtatagal?
Amang Dios, tulungan Mo po akong maghanap ng Iyong karunungan at kaalaman, hatol at daan, habang sinusunod kita.
Isinulat ni Dave Branon
Leave a Reply