Ang Nagpabago Ng Buhay Ko

·

·

Ang Nagpabago Ng Buhay Ko

Basahin: Gawa 15:36–40 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 97-99; Roma 16

Gusto niyang isama si Juan… pero ayaw pumayag ni Pablo. – Gawa 15:37–38

Ayaw ng pitong taong gulang na Thomas Edison sa paaralan. Isang araw, natawag pa nga siyang “lito ang isip” ng isang guro. Umuwi siya. Pagkatapos makausap ang guro niya, minabuti ng kanyang ina na turuan na lang siya sa bahay. Sa tulong ng pag-ibig at paghikayat ng nanay niya (at ng pagkahenyo na regalo ng Dios), naging isang dakilang imbentor si Thomas. Sinulat niya, “Ang aking ina ang nagpabago ng buhay ko. Napakatotoo niya, may tiwala sa akin, at siya ang isang tao ako na hindi ko dapat biguin.”

Sa Gawa 15, nabasa natin na magkasamang nagmimisyon sina Bernabe at Apostol Pablo hanggang sa hindi sila nagkasundo kung isasama ba nila si Juan Marcos o hindi. Ayaw ni Pablo dahil “iniwan sila nito noong nasa Pamfilia sila” (Tal. 36-38). Ang resulta, naghiwalay sina Pablo at Bernabe. Isinama ni Pablo si Silas, sinama naman ni Bernabe si Marcos.

Gusto ni Bernabe na bigyan ng pangalawang pagkakataon si Marcos, at ang pagpapalakas niya ng loob ang nag-ambag sa kakayanan ni Marcos na maglingkod at magtagumpay bilang misyonaryo. Kaya nga naisulat niya ang aklat ng Marcos at dumamay pa siya kay Pablo noong nakakulong ito (2 Timoteo 4:11).

Marami sa atin ang makakapagturo ng mga taong nagpalakas at tumulong sa atin. Baka tinatawag ka ng Dios ngayon para gawin din ito sa isang tao sa buhay mo. Sino ang puwede mong mapasigla?

Sino ang taong naniwala at tumulong

sa’yo para magtagumpay ka?

ang ginawa niya para palakasin ka?

Isinulat ni Alyson Kieda

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links