Kasing Tatag Ng Bakal
Basahin: Jeremias 1:14–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 103-104; 1 Corinto 2
Patatatagin kita ngayon tulad ng napapaderang lungsod, o ng bakal na haligi o ng tansong pader. – Jeremias 1:18
Kilala ang ironclad bettles sa matigas na balat na nagpoprotekta sa kanila. Kahit madaganan ng mabibigat na bagay, nababanat lang imbis na mabasag ang matibay nitong balat. Ayon sa mga siyentipikong eksperimento, kaya nitong mabuhay kahit madaganan ng bagay na 40,000 na beses ang bigat kaysa rito.
Kung paanong ginawa ng Dios na sobrang tibay ng salagubang na ito, binigyan Niya rin ng katatagan si Jeremias. Humarap ang propeta sa matinding puwersa dahil sa pagbibigay niya ng mga mensahe sa Israel, pero nangako ang Dios na gagawin siyang kasintatag ng “bakal na haligi o tansong pader” (Jeremias 1:18). Hindi siya mapipipi, makakalas, o matatabunan. Mananatiling matatag ang kanyang mga salita dahil sa presensya at kapangyarihan ng Dios.
Minamahal na Dios, palakasin Mo po ako para magawa kong harapin ang mga hamon sa araw na ito.
Buong buhay niya, napagbintangan si Propeta Jeremias, naaresto, nilitis, hinampas, kinulong, at tinapon sa balon—pero nalagpasan niya lahat iyon. Nagpatuloy si Jeremias sa kabila ng mga labanan sa loob ng isip niya. Sinalot siya ng mga pagdududa at pighati. Parati siyang tinatanggihan at dumagdag sa isipin niya ang paglusob ng Babilonia.
Patuloy siyang tinulungan ng Dios kaya hindi nabasag ang espiritu at testimonya niya. Kapag gusto mo nang isuko ang misyong ibinigay Niya sa atin, o talikuran ang buhay ng isang mananampalataya, alalahanin mo na ang Dios ni Jeremias ay Dios mo rin. Kaya Niyang gawin tayong kasintatag ng bakal dahil ang kapangyarihan Niya ay nakikita sa ating kahinaan (2 Corinto 12:9).
Paano nakakatulong ang makilala
ang mga tao na binanggit sa
Biblia upang tumatag ang iyong pagtitiwala sa Dios?
Isinulat ni Jennifer Benson Schuldt
Leave a Reply